Jenyi | 9: Candy

497 51 20
                                        


Candy
Jenyi's POV

Tanghali. Lahat ng mabibigat na task ay natapos namin at ang pinakahirap siguro na sinuong ko ay ang halakhak ni Rougue sa tuwing hindi ko nagagawa nang maayos ang obstacle.

S'ya nga 'tong mas nakakatawa dahil nagkasuot siya ng water bottle ni Hzanny. Naka-strap sa leeg n'ya at pink 'yon. He's into black things, halatang na-onse siya ni Hzanny.

Sa hapon naman ay umalis, sakay  ng helicopter, si Agent Dion.  Napansin kong magubat ang buong paligid at may isang bahay lang na nakatayo. Maraming kagamitan sa paligid . . .  hindi kaya kami mabulilyaso nito?

Lahat kami ay pagod na pagod at ang tinanghalian ay cup noodles. Walang nagpumangahas na magluto.

Ngayong hapon. Halos kalahating oras na kaming nagpapahinga. Walang gumagalaw para magluto o maghanda ng makakain.

"Magluluto ako," deklara ko.

Napatingin naman sila sa 'kin. Tinitigan ko ang bawat mukha nila at mga pawang nabuhayan. Shit? Pagluluto ba ang magiging papel ko sa bahay na ito?

"Wala ba'ng tutulong sa'kin?" tanong ko. Nagtungo ako sa kusina na ilang hakbang rin lang mula sa sala kung saan sila nagpapahinga.  Nagbukas ako ng maliit na kabinet at tiningnan ang mga ingredients.

Lahat sila ay may kaniya-kaniyang daing mula sa suhestiyon kong tulong  sa pagluluto.

"Hindi ba tutulong 'yong nagsabing madali lang ang mga task. I'm sure hindi 'yon pagod," usal ni Standey at lahat sila ay tumingin kay Rougue. S'ya lang kasi halos ang makatapos ng mga obstacle at task.

"Okay!" usal ni Rougue at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sofa. Lumapit siya sa counter top malapit sa akin.

"How can I help you? Yenji, the gucci girl," sarkastiko ang bawat untag niya.

Sasabatan ko na dapat siya pero nagsalita si Geyl.

"To observe you Jenyi . . . unang kita ko sa 'yo noon. I hunched na mayaman ka, with your signature bag. Also 'yong kutis mo, medyo maputi at makinis pati pa-chinky ang mata mo, with dark eyebrow and eyelashes you look like a sossy brat bitch girl. And all of that, my observations on you are wrong," paliwanag ni Geyl mula sa sala. She was leaning forward to see me here at the kitchen.

"Shit~ Kung alam n'yo lang," react ko sa sinabi ni Geyl.

Mukha daw ako mataray sa pasingkit kong mata. Ang strong kasi ng  features ko. Minsan nga nanalangin ako na sana pati loob ko ay malakas o matapang. Kasi si Geyl, taliwas sa itsura niya. With her wavy hair, good eyes, ano pa ba? Kulang ang pag-describe ko sa kanya but she's perfect. She has big glistening eyes, small but pointed nose and perfect shape lips. We have the same color of skin. She's pretty and has soft look but deep within those look--- kasali pala s'ya sa mga under the counter organizations, she's quite strong and powerful.

"Anong dapat pa naming malaman bukod sa fake ang lahat ng gamit mo?" tanong ni Rougue. Hindi ko naman maitatanggi na I sell product that are imitated or made in mediocrity. Alam na nila lahat 'yon mula palang sa Oneself Introduction at magkakasamang interview na ginawa sa amin bago makapasok sa misyon na ito.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon