Yes, I am
Jenyi's POV
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nilang tatlong lalaki pero mukhang okay naman ang pakikitungo nina Standey at Roman sa isa't isa.
"Ba't ka papasok?" tanong ni Rougue.
"Kasi po may school?"
"'Wag ka nang pumasok," mahina at halos hindi maibukang-labi niyang saad.
"Ako ang magdedesisyon sa sarili ko," asik ko naman. Napatitig pa ako sa kanya habang may mataray na ekspresyon sa mukha.
Nakita ko naman ang ngiti niyang may pait. At natawa pa nang mahina na pawang sarkastiko at sa kabila n'on ay makikita ang inis sa kanya."Sa tingin mo pinapangunahan kita sa desisyon mo?" tanong niya.
Tinalasan ko na lamang siya ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.
For I know ay inaaway n'ya lang ako para hindi ako pumasok eh.
Magkaaway pa rin kaming pumasok sa school. Kay Primo ako sumakay habang ramdam ko pa rin ang banas ni Rougue nong sumakay siya sa sasakyan niya. Sabagay, may Vernice 'yong kadamay sa pagdating niya sa University.
***
"Girl, grabe nagkasagutan kami ng kagrupo ko. Mali-mali ang entry. Nakakaiyak!"
Napakagat na lang siya sa chocolate dahil siguro sa stress. Ngayong break time lang nagkatagpo ang schedule namin. Buong mga pangyayari na 'ata sa mga nauna niyang school subject ang nai-kwento niya sa akin.
Nasa gitna kami nang kaseryosohan nang pag-uusap ni Cherry nang sumulpot si Jay.
Shit?
"Problema?" tanong ni Jay at umupo sa tabi ko. Napaisip pa ako sa saglit for the wrong doing that Rougue did but I think he's not here for any of that nonsense things. But shit, I am curious.
"Wala. Nakapag-rant na ako kay Jenyi," masungit na saad ni Cherry kay Jay at napasiring pa.
"Ikaw, Jenyi. Pinauwi ka raw kahapon? Nabanggit sa akin ni Cherry," sambit ni Jay na sinserong nakatingin sa akin.
"Ah, o-okay naman na ako," saad ko.
He's almost like my brother! Why the hell, I want to keep distant to him? Like every qualities of him that I like is now replaced with sudden doubt. Shit~ He is the only one who was there when everyone turned back. Madali siyang kasama. Just like this, Cherry and him are now that acquainted.
Napatingin ako kay Cherry dahil alam kong sa daldal niya ay siya ang magpapatakbo ng usapan naming tatlo.
"Ikaw," pagkausap ni Cherry kay Jay, " okay ka lang? Ang ikli-ikli ng line mo. Hindi mo pa mai-deliver nang ayos," bulyaw ni Cherry.
"Eh ikaw nga. Ang O.A. masyado d'on eh. Kasapaw."
"Excuse me! "
Tiniwanan lang siya ni Jay at humarap sa akin. "Busy kasi itong kabatuhan ko ng line."
"Sorry ah, baka kasi ako mag-teatro nito," usal ko.
"Ow, so ginawa n'yo pala 'yon? Tinutulungan mo siya sa linya niya before?" tanong sa akin ni Cherry at tumango naman ako. "Girl! 'Di mo sinabi e 'di sana nagpatulong ako. Para akong baliw sa bahay na kausap ang aircon. You know, we don't use stand fan," aniya.
Naiiling akong binalingan si Jay na may s-in-uggest. "Why don't we bond in your house? Mukhang kumportable sa bahay nyo ah."
"Bawal ang lalaki r'on, Jay," paliwanag ni Cherry habang nag-aayos ng gamit.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...