3rd Person's | 25: Boo!

356 35 0
                                        

Boo!
Third person's POV

Pagkatapos makarating ang lahat ng Seekers sa condotel nila ay may nagpakitang isang Mentor at sinabing kailangang makauwi muli ang anim sa Training House. Sa kalagitnaan ng dilim sa gubat ay nakatayo ang anim sa tapat ng pinto nito.

Apat na oras na byahe at mas nauna ng makapasok ang mga bagahe nila kaysa sa kanila sa loob ng bahay.

"Daily dose of codes," ani Roman.

Lahat sila ay nakatingin sa nakasaradong pinto at imbis na doorknob ay screen ulit ang naroroon at may mga salitang nakalagay.

Thumbs down 2 luck (e)

May anim na patlang na kailangang lagyan ng sagot. Gabi na at pawang lahat ay pagod sa byahe. Hindi rin makakaila na lahat sila ay nilalamig dahil sa panahon . . . Ber months na rin at nasa gitna pa sila ng dilim sa tahimik, na gubat na nakadagdag din sa ginaw na nararamdaman nila.

"Here," inabot ni Standey ang grey na hoodie kay Geyl at nagpatuloy sa obserba ng screen sa pinto kasama si Roman. Pilit nilang inaalam ang sagot.

Habang si Rougue naman ay nakatayong parang superbisor. Si Jenyi naman ay nakayakap sa likod nang nilalamig na si Hzanny.

"Na-try n'yo na ba'ng ROT1 o A1Z26?" biglang tanong ni Hzanny. Mahilig magbasa ang pinakabatang miyembro nila ng detective story kaya hindi bago sa kanya ang mga codes taliwas kay na Rougue at Jenyi na walang maiitulong sa ganitong aktibidad.

"Didn't make sense," usal ni Roman.

Napanguso na lang si Hzanny at sinubukan muling mag-isip ng code na babagay. Ramdam niya ang pagbigat ni Jenyi sa may ulohan niya. Nasa likod niya ito't nakayakap para bang natutulog na habang nakapatong ang baba sa ulo niya.

Hzanny's height is just below Jenyi's chin

"Kuya Rougue, pahinging Gentlemaness," sabi niya. Hinihigit niya ang black jacket nito at nginuso na rin si Jenyi na nasa likod niya. Mukhang walang muwang si Jenyi na pinag-uusapan siya ng dalawa, malalim din kasi ang pagkakatulala nito.

"Ano?" tanong pa ni Rougue. Ngumuso naman ulit si Hzanny palikod at sinamahan na niya ng pagturo ng daliri.

"Anong gagawin ko d'yan?" tanong ni Rougue, pertaining to Jenyi.

Ngumiwi naman si Hzanny at napairap.

"Anong naiisip n'yo kapag thumbs down?" Nakuha ang atensyon ng lahat sa nagsalitang si Standey. Nakapameywang ito at nanggigitgit ang mga panga habang sandaling binaling ang tingin sa pintuan. Nakakunot ang noo na tila ba desperadong makapasok ng bahay.

"Boo," asik ni Rougue. Pumasok sa utak niya ang oras na lumaban siya kay Krodus na halos puro thumbs down ang nakikita niya sa ere kasabay ng salitang 'boo!'.

"Boo!" sigaw ni Hzanny kay Rougue, na naka-thumbs down pa. Ang pagmamaang-maangan ni Rougue sa pagpapahiram ng jacket kay Jenyi ay hindi nagustuhan ni Hzanny.

"Hindi ako si Kuya Will," saad ni Rougue. "No offense, Standey." Nakangisi si Rougue habang nakawagayway ang kamay para muwestrahan si Standey.

"Not taken," tugon ni Standey.

Sumilay naman si Standey kay Geyl na suot ang hoodie niya. Nawala ang ngiti nito nang makitang nakangiti ang dalaga sa kaibigang si Roman.

Nailing na lang si Standey at pinokus ang pansin kay Jenyi na parang zombie'ng naglakad papuntang pinto.

Lumapit ang nahihilo, nasususka, nagugutom, at pagod na si Jenyi. Napilitang gumana ang isip niya at nasa utak na niya ang sagot.

T-in-ype niya ang salitang 'FLOWER'.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon