Standey | 15. Guns

440 41 0
                                    



Guns
Standey's POV



Pang-apat na araw na namin ngayon . . . .Mabagal ang mga nagiging araw namin. Tatlong araw na lang ay second semester na, papasok kami sa iisang school. Sa tingin ko'y mas lalo kaming mahihirapan sa pag-tra-training.

Kagaya sa naunang nangyari ay ibang mentor na naman ang nagturo sa'min. Sa pagkakataong ito ay paggamit ng baril ang tinuro niya. Lahat kami ay may hawak na baril at kailangan naming patamaan ang latang nasa ilang metro ang layo.

Si Jenyi ang nahirapan sa tunog nito, malakas at talagang nakakarindi pakinggan. Pero pinaliwanag rin sa'min na pa'ng ilang trials lang 'yon at kalaunay may silencer na ibinigay sa 'min. Sa tingin ko'y nag-iingat nga silang matunton kami ng mga dumukot sa presidente.

And that crosses my mind . . . we have no excess information or any biodata about President's kinapper. All we know is that a Silent Gang. As far as I know, as far as I have an access--- Silent Gang has many groups. Hati-hati ang mga sangay nito.

"Hindi n'yo pinapangalanan ang dumukot sa presidente. Anong gang? Anong organization? Wala pa ba'ng hint?" Lumabas nang kusa sa bibig ko ang mga tanong.

"Nandito ako para turuan kayo hindi para sagutin ang mga tanong niyo," sagot pa ng isang Senior. Mas mataas ang ranggo ko kaysa sa kanya. Ano ba'ng klase pamamalakad ng organization? At isang Senior lang pinadala para turuan kami?

At linawin ko lang, kalahati sa amin (kasama ako)...ay miyembro ng organisasyon na may mas mataas na ranggo kaysa sa kanya

"Sa tingin mo ba matatapos namin ang misyon na kulang-kulang ang impormasyon? Nandito ka para turuan kami pero bukas na lang ay baka hindi ka na nakatayo sa harapan namin," makahulugang sambit ko.

Nakita ko ang kunot sa noo niya at ang marahas na lagok.  Mukhang natakot siya.

"Maybe, he doesn't know the answer," said Geyl.

"Alpha Senior, Standey I'm here to teach . . . b-bringing my knowledge about gun firing.  For your question I honestly don't know the answer."

Kilala niya ako? Well that was a shock but I tried to show my natural look. Perks of being charming, I guess?

Nagsimula na n'yang ipakita ang tamang pagbaril. Isa-isa niya kaming tinuruan at inuna n'ya si Geyl.

Kaasar nga.

"Senior..." sambit ko.

"I am Bravo Senior, Demetrio."

"Bravo Senior, I already have the background about this activity. I would like to teach Geyl. And. . . there's fourteen year old girl eating purple bubble gum. You should focus on her instead of Bravo Senior, Maria Geyl."

Nanlalaki ang  mga mata niyang humarap kay Geyl, na busy sa pagkilatis ng baril.  "Ano na?" tanong ni Geyl. Binalingan siya ni Demetrio na siyang tikom na ang bibig. Hindi nga umimik ang mentor bagkus ay itinuro niya lang ako ng tingin.  Umalis ito at patungong gawi ni Hzanny.  

"Ako ang magtuturo sa 'yo," sagot ko sa takang mukha ni Geyl.  Nakunot ang noo niya at nailing. Pinukol niya saglit ang pansin kay Roman na tinuturuan si Jenyi.  

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon