Education
Jenyi's POVMasaya akong nagising sa puting damit at panjama. Ang tela nito ay para blouse ng isang public school. Simple lang ang pagkakatahi nito. Maiikumpara ko ito sa uniform ng male nurse o kaya ay kasuotan namin sa gun fight kaso mas manipis 'to.
Pakiramdam ko tuloy ay diresto libing na ako.
Nagii-stretching ako nang biglang may pumasok--- sina Geyl at Hzanny.
Marami silang tanong, hindi naman ako mapakali dahil nakikita ko si Rougue at parehas kami ng suot. Nababasa ko ang nangkwe-kwestiyon niyang mata. Pagkaalis nila Geyl ay bahagya siyang lumapit sa'kin.
Nabanggit ko na bang kulang na lang ng halo ay mukha na siyang anghel? Shit! Naka-drugs ba 'ko? Ang ingay ng utak ko.
"Tell me, " aniya habang mariin na nakatingin, "may ginawa ba sila sa'yo bago dumating 'yong mga CAAO Agent?" tanong niya.
Tumayo ako at nilibot ang buong pansin sa kwarto ko pakuway sa buong condo na. Modern design ito. The theme is playing colors brown, gray, and white.
"Okay ka lang ba?" tanong niya pa.
Namangha ako sa condo. Na-realize ko na dati naka-appartment lang na puro ipis at daga ngayon... condo na!
Nakita ko ang papel sa black table ng sala. Agad ko iyong binasa.
Seeker No. 5, Congratulations! You are finally here. Take a rest. Tomorrow will be your first day at Luvriana University. There's uniform on the closet. You will use it and the other prepared things for you.
There are six condo units. You are in 002 condotel. Within that six condotel, you can act normally to other Seekers . . . and act civil outside. Create your passcode but make it predictable for other Seekers."
"I'm talking to you," mariin na asik ng boses.
Humarap naman ako kay Rougue na mukhang mainit ang ulo batay palang sa mga kunot niya sa noo.
"Okay lang ako, ano ka ba?"
"Anong ginawa nila sa'yo?" Matalim ang tingin niya sa 'kin.
"Hindi ko matandaan." May parte sa akin na ayaw nang balikan pa ang nangyari kahapon. Ngayon ay kinakabahan nang muli ako.
"Jenyi."
Shit! Totoo ba 'yon? Bigla niyang binanggit ang pangalan ko, ang tunay kong pangalan. Hindi na Yenji.
"Fine!" Pumikit ako nang mariin at pilit inalala. "Umalis ka para bumili ng pagkain, tapos--- tapos nakatulog ako. Nagising na lang ako nang maramdaman na . . ." Agad akong napatigil at itinaas bahagya ang puting damit.
"Damn, Chul," Mariin pero may mahinang boses na mura ni Rougue, nakita niya ang sugat sa tagiliran ko. Pati ako ay nagulat at binaba na lang rin ang damit.
Bumalik ang takot ko nang gabing 'yon.
Shit~ What really happened?
Nakatulog ako n'on nang biglang may naramdaman akong talim ng kutsilyo sa tagiliran ko at may bigat na nakadagan sa 'kin. Minulat ko nang maayos ang mata ko at may lalaki na sa ibabaw ko.
"Hi-hindi si Chul 'yon," kapos na hiningang banggit ko.
"Pero pinabantayan kita sa kanya." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at pagbigat ng hininga.
"W-wala n-naman nangyari dumating agad 'yong mga tauhan ng Califan. "
Dumating ang mga CAAO Agent at pinatumba nang mabilis ang dalawang lalaki na nasa loob ng kwarto ko. Ang ibang lalaki naman ay na nasa labas ng kwarto, mga wala ring malay. Ayon sa pagkakalala ko ay may pink na usok na binato sa kanila.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...