Lock Picking
Jenyi 's POVHindi ako kumain bago matulog. Nakakagigil din 'yong kwento ni Geyl. Ang immature! Nagising tuloy ako dahil sa sakit ng t'yan. It was 3 in the morning. Hula ko pa na gising na si Rougue . . . nage-exercise or something.
Bumaba ako at hiniling na kung may sasambulat sa aking codes or something granada or what na pampagising ay sana . . . huwag naman dahil I have my period.
"Shit?" Para akong na nakakita ng artista dahil nakita kong may pagkain sa mesa. Fried rice, sausages, eggs, and coffee.
Uupo na sana ako n'on nang marinig ko ang boses na nagsasabi na, "Akin 'yan, swerte mo naman masyado."
Ngumiwi na lang ako sa nakakaasar na mukha ni Rougue.
"Hindi ka kumakain ng fried food at marami 'yan para sa'yo." Nagawa kong sabihin iyon. Katulad ng pag-iisip ni Geyl ang alam ng aking utak. Shit? Nakakahawa pala ang katalinuhan?
'Tsaka hindi daw pala s'ya kumain kagabi kaya siguro ang heavy ng niluto niya?
"Concern?" tanong niya.
"Pagkain ka?" tanong ko.
Pagkain lang ako concern that time. Tiningnan n'ya ako nang masama at pakuway tumayo na. "Okay, eat now," aniya at dumiretsong labas ng Training House.
Napakurap na lang ako.
Sinisermunan ko ang aking sarili sa isip habang hinahabol siya sa labas . . . kasi naman nakaka-guilty. Kakain dapat siya tapos inabala ko, I can cook food naman.
"Hey, I'm sorry. Sabay?" tanong ko n'on habang kinukuha ang atensyon n'ya. Busy s'ya sa pagsuntok sa ere. Naisip ko kung tatamaan siguro ako n'on, kahit pangalan ko ay makakalimutan ko--- kung magigising pa ako.
"I'm full. Not healthy."
Napataas ang kilay ko at wari ko'y mukha na talaga akong maldita. S'ya nga ang nagluto n'on tapos busog daw s'ya at hindi healthy? Ba't 'yon ang niluto niya?
"Why prepared food?"
"It's for you--- all of you."
"O'"
Tumango-tango ako n'on at tumakbo pabalik. Gutom talaga ako. Ang sama ng pakiramdam ko kagabi kaya napilitan ang mga braincells kong gumana.
Nang matapos akong kumain ay bumaba ako sa Foxtrot para kumuha ng panlagay sa puson. I didn't know what will I use hot or cold compress.
Pag-akyat ko pabalik ay narinig ko kaagad ang sigaw ni Hzanny.
"There's a fire!" Tinuro niya ang kusina na may apoy at exaggerated na usok.
Dahil sa puson ko ay pinilit kong hindi mag-panic. Isa pa nandoon naman ang boys, I trust them.
"Ba't ang aga mong nagising?" tanong ko kay Hzanny. Umakyat ako sa kuwarto para kumuha ng kumot.
"There's a fire!" sigaw niya pa.
D'on ko nakitang naalimpungtan si Geyl at mabilis na bumababa sa kusina.
Namimili pa ako kung aling kumot ang gagamitin ko but I chose mine.
Nakakahiya naman sa kanila.
Pagkababa ko ay nakasalubong ko ang dalawang lalaki ni Geyl.
Pumasok naman sa loob ng bahay si Rougue galing labas. "Kalmado kayong tao ha?" aniya at hinablot sa akin ang kumot.
"There's a fire tapos ang bango ng usok, ano 'yan vape?" tanong ni Hzanny at umupo sa sofa. Kalmado na siya ngayon. Nakiupo rin ako sa kanya dahil masakit talaga ang puson ko.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...