Trigger Warning: This contains vulgar words that may set you off.Happily High
Jenyi's POV"In what happened, Jenyi and Rougue will fix what are the conflict between them. Finding the president will begin. Making good communication with each Seekers will help a lot in terms of coordination. Jenyi and Rougue will talk about what just happened."
Ilang metro ang layo niya sa akin. Papunta kaming Foxtrot. Sa kanang bahagi kung saan din ginawa ang Self-Assessing tungkol sa mga fear namin.
Nang makarating nakita ko si Mrs. Matira sa tapat ng itim na pinto na may pekeng door knob. Pinaangat niya ang kamay ko at hinawakan ang bracelet sa bakal na parte. Isang segundo lang ay natanggal na ito.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay natulala ako. That easy? Ang dali lang sa kanya na alisin iyon.
"This is just for this moment," panimula niya. "What ever happens inside, still, you will wear this. Anything that you two decided about. I will not meddle. Okay? You may now go inside."
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa pinto. Kinakabahan man at mabilis ang paghinga ay diretso lang ang paa ko papunta sa gawi niya. Nakatalikod ito. Ang pwesto niya sa nasa puting entablado.
Huminga akong malalim habang tinatahak ang hagdan pataas.
Nakangiti ako palapit sa kanya. Hahawakan ko na sana ang likod niya nang magsalita ito dahilan nang pagkakatigil ko. Ang mga salita niya ay talagang tumusok sa akin.
"Ang dumi ko na nasaktan pa kita. Nangyari na sa akin, ginawa ko pa sa'yo. Sa tingin mo deserve ko pa dito? Sinira kita, dinungisan kita, sa tingin mo mapapatawad ko pa ang sarili ko?"
Naibaba ko ang kamay ko dahil sa narinig. May kabang humampas sa dibdib ko. Pilit kong iniintindi ang sinasabi niya.
"Rougue..."
Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya. Pero masakit, masakit marinig.
"Sa tingin mo bakit nangyayari 'to? Bakit kailangan mangyari 'to? Araw-araw, 'yong nakaraan na 'yon ang gumigising sa akin. Tapos ganoon din ang ginawa ko sa'yo. Ang sakit para sa akin. Parang hindi ko na kayang makita ka . . . na kasama ako," ika niya, na may buong boses. Ang bato niya. Wala man lang emosyon ang pagbitaw niya ng salita. Shit!
Napaatras ako at hindi maisip ang sinasabi niya. Tanging iling na lang ang nagawa ko. Ang hirap kainin nang sinasabi niya sa akin. Bakit? Bakit ang kumplikado niya. "Hindi, 'wag na—" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"‘Huwag mo nang intaying magsabi ako ng kasinungalingan para lamang lumayo ka. Isipin mo na lang lahat ng sakit na dinulot ko para lumayo ka," wika.
"Kailangan nating maging okay. Okay lang naman ako e, kung itatanong mo. Mas 'di ako okay na ganyan ka. Mas 'di ako okay na wala ka!"
"Nasa tabi mo 'ko, nasa tabi mo ko n'on---pero sinaktan kita."
He should chose to forget it.
"Anong sinasabi mo ngayon? Ha? Iwasan na lang? May mission tayo!"
"May mission tayo at sana hanggang mission na lang 'yon dahil pagkatapos nito, kakalimutan na kita. "
Sakit.
Parang isang tubig na gumising sa akin ang sinabi niya. Bakit ako ang pumipilit sa kanya? Bakit parang ako ang nagmamakaawa? Bakit ako lang ang lumalaban?
"Sa pag-aaway lang naman nagsimula ang lahat sa atin 'di ba? Isipin mo na lang na kapag wala na 'yon, wala nang tayo, mas magiging mabuting walang awayan— walang pikunan. Tumigil na tayo, masasaktan lang kita nang paulit-ulit," seryosong saad niya. Hindi ko makita ang kaniyang reaksyon dahil nakatalikod siya sa akin. Harapan man o hindi, masakit pa rin.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...