Boys being locked-up
Rougue's POVPagod na pagod ang katawan ko kaya't mabilis akong nakatulog. Wala na akong pake kung humihilik ako. At 'yong dalawang lalaki na kasama ko sa kama. Hindi sila humihilik. Pakiramdam ko ay kasama ko ang mga respetadong mga lalaki sa iisang kama lang.
Si Standey, ang lalaking maraming salita. Kaya n'yang magsalita, ibig kong sabihin ay may boses siya na talagang makukumbinsi ang lahat. At kung sa grupo, he will be our voice.
Si Roman, piling mga salita lang ang sinasambit niya. Mukha siyang lampa pero hindi. Malakas ang katawan niya lalo na ang isipan. Libro lagi ang hawak niya. In group, he will be our brain.
"Damn!" sigaw ko. Kanina ko pa kasing binubuksan ang pintuan ng kwarto namin pero hindi ko magawa. Nakakulong kami!
Itinatapon ko na ang sarili ko sa pintuan para lamang mabuksan ito pero hindi talaga gumana. Kung pakana 'to ni Yenji, 'wag na wag s'yang magpapakita sa 'kin.
Tiningnan ko na ang bintana at hindi rin mabuksan. Saradong-sarado. Just damn, I want to open it! Kung sa bintana ako dadaan ay kawawa naman ang healthy kong katawan kapag tumalon ako . . . dahil sa mga halaman na makahoy at matinik ang babagsakan ko.
"What a noise," bulalas ni Standey.
Si Roman naman ay naalimpungatan na rin. It was darn 3 A. M.
"Rougue?"
"'Yong pinto, hindi mabuksan," sambit ko na may kasamang buntong hininga. Tumayo si Roman habang si Standey naman ay papikit-pikit na nakaupo sa kama.
"Pusta ko talaga si Yenji ang may dahilan d'yan. 'Yong babaeng 'yon---"
"How could you say? "
Hindi ako nakaimik sa tanong ni Roman. Pinagpatuloy ko na lang ang paggiba sa pintuan.
"Wait till girls woke up," Roman dryly said as he checked the window.
"Yenji, yesterday . . . she woke up at four A. M. to cook."
Napatingin sila sa akin. I explained na gumigising ako nang maaga para sa exercise tapos nakikita ko si Yenji na maagang gumigising para magluto and do other things like cleaning.
Now, gumising ulit ako nang maaga dahil naalala kong may gym sa secret room, sa underground ng bahay. Gusto ko sanang subukan pero nadismaya ako dahil 'di ko mabuksan ang hangal na pintuan.
Naghintay kami at parang ako lang ang hindi mapakali sa aming tatlo. Around 4 A.M., not exact ay narinig ko na ang mahinang katok
"Hey! Yenji!" sigaw ko. Kinatok ko pabalik ang pinto.
Wala akong narinig na boses puro mahihinang katok lang hanggang sa nawala na ito kaya't labis ang paghihinayang ko.
Kalahating minuto ang dumaan at marahan akong kumatok ulit. Nagulat ako nang may kumatok pabalik mula sa kabilang parte ng pinto.
Lumapit na si Standey at kumatok din. "Geyl! Open the door!"
Wala kaming ideya sa kung sinong nasa likod ng hamak na pinto.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...