Geyl | 60: Blood

268 25 0
                                        


Trigger Warning. This contains brutal actions that may set you off.

Blood
Geyl's POV

"Please don't hurt her. Please!" sigaw ko. Sa kalagitnaan ng gabi ay may pumasok na ilang kalalakihan sa training house. Nakasuot sila ng typical na suot ng mga high rank agents sa CA Organisasyon: trench coat, tactical turtleneck, and trousers---ang kaibahan nga lang ay kulay dark blue ito imbis na itim.

Si Jenyi at Rougue na kanina lang na natutulog sa sofa ay nasa sahig at hilo-hilo sa mga tinamong bugbog.

Sina Standey at Roman ay wari kong nakatulog dahil sa pink na usok na tinapon sa kwarto nila. I've been dealing with this agents on my own.

"Give us the code!" sigaw ng lalaki na sa tingin ko ay leader. Tanging mata lang ang nakikita ko sa kanila. Lahat sila ay may panaklob sa ulo.

Hawak niya si Hzanny na halos hindi makagalaw dahil sa baril na nakatutok.

Mula sa sahig ay narinig ko ang daing nang nagising na si Jenyi. Agad niyang nakuha ang pansin ng isang agent at marahas siyang sinakal. He pinned Jenyi on the wall.

We needed help. I can not do it alone. I thought of that if its a Wake Up Call then it should be stopped.

Napalunok ako pagkatapos ay binaling kay Hzanny ang paningin. I just looked at the agent and to her repeatedly. I was desperately thinking of what will I do. My breathing were just calculated and I did make sure that I tapped the right code.

'Do it.' The code that I tapped.

Sa signal kong iyon ay tinulak ni Hzanny pa gilid ang lalaki at agad naman itong sinunggaban ni Rougue na nagkunwaring walang malay. Naalarma ang katabi kong Dark blue agent. They tried to hold me but I managed to kick and punch them.

Rougue still fighting with the leader. Jenyi still suffering from the man who was gripping on her neck.

I was about to gave my attack when the man that choking Jenyi shouted "Stop!" sigaw niya kay Rougue. Maging ako ay napatigil nang may kutsilyo nang natutok sa leeg ni Jenyi.

Napatigil si Rougue sa pagsuntok sa mukha ng leader.

Mabibigat ang aming paghinga pero mas tinuon ko ang pansin sa mga daliri ni Jenyi na nakalapat sa kanyang binti.

Nang makita ang pag-tap ni Jenyi ay naging hudyat kay Rougue na ipagpatuloy pa rin na suntikin ang katunggaling leader.

Ang lalaslasan na sanang si Jenyi ay nagawang manipulahin at balikuin ang kamay ng lalaki. Nagawa niyang patulugin ito sa pamamagitan nang pukpok sa batok.

Nanlaki ang mata ko nang biglang may pumasok sa bahay, mga kalalakihan na may pareho ring uniporme. Mabilis ang nangyari at namalayan na lang naming apat na may nakatutok ng mga baril sa amin.

"Give us the code to your secret room, now!" sigaw ng leader na ngayon ay duguan ang labi at paga ang mukha. Nagawang tanggalin ni Rougue ang bumabalot sa mukha nito kaya't kita namin ang itsura nito. He was in the mid-40's, moreno at maskulado.

"You! Take the lead in opening your secret room!" Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang ituro ako nito gamit ang baril. Dahan-dahan naman akong nalakad sa hagdan. Nasa ika-pitong step na ako at ity-type na sana ang code nang may biglang pumasok na mga nakaitim na agent attire at tinambangan sila.

Yumuko lang kaming lahat hanggang sa matapos ang mga putok. Nakakarindi man at nakaka-trauma, alam kong handa pa rin ako sa mga susunod na mangyayari. Sa huli ay naubos ang black agent nang ganoon lang kadali.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon