3: Rougue

756 50 14
                                        


Rougue's POV

"Welcome to 2020 underground fight."  Malakas ang tinig ng well-known announcer na si Mac Anselo. "This is what you are waiting for . . . fighters are ready to fight and viewers are ready to pay!"

Puro malalakas na sigawan ang maririnig sa buong underground arena. Tila ba ay magigiba na ito.

"Hep! For all the fighters who will fight this day, we'll have a great offer. A very big offer just like—Krodus!"

Palakas nang palakas ang sigawan nila lalo ng matamaan ng ilaw si Krodus mula sa madilim na gilid ng stage.

"Who ever beat Krodus will recieve a..." Tumawa lang siya, " —you'll find out!"

Nagsimula ang laban at pinanood kong mabuti ang makakalaban ko. Unang may sumubok at ilang minuto lang ang itinagal ay halos mag-agaw buhay na ito. Sa pangalawa at pangatlo ay mabilis lang din natapos.

Habang hindi pa ako lumalaban ay pinanood ko na ang bawat galaw ni Krodus. He's  always using left hook.

"Krodus! Krodus! Krodus!"  sigaw ng mga nanonood. Tila ba santong kailangan sambahin. Madilim ang paligid, maingay, at mainit. Ang pawis ay makikita lamang sa mga fighter.

Oras ko na para lumaban. Kagagaling ko lang school. Nakita ko 'yong test paper namin, nakasulat ang address na 'to.  It means underground fight for us underground fighter. Sekretong lugar sa ilalim ng restaurants at café.

Pang-ilang  beses ko na rin nakatanggap ng mensahe at alam ko ang eksaktong codes na 'yon.  Naiintriga ako kung bakit naglagay sila sa test papers.

"Boo!" Puro thumbs down ang nakikita ko sa ere at alam kong para sa akin ang lahat ng 'yon.

Habang naglalakad ako sa pathway ay pasimple ko inalis ang aking necktie na siyang may school logo pa.

"For our challenger . . . you only need to get him out of the ring to win this game," said the announcer with his deep and bold voice that we can clearly hear.

Tiningnan ko si Krodus nang makahulugan. Tatlo na ang natalo n'ya. Alam ko at saulo ko na ang bawat galaw n'ya.

Left hook as his strength. Kita palang sa malaki niyang upper body na ang both legs niya ang kaniyang kahinaan. Hindi proportion ang upper and lower body niya. I know I can use it against him.

I only need him to get out of the ring, usal ko sa isip.

Para makagalaw nang maayos ay tinanggal ko ang aking uniform, showing my upper body, with four pack of abs. Well, pretty proud . . . pinaghirap ko 'tong katawan na 'to.

Malas ko lang dahil naka-slacks ako. Nasa isip ko pa rin na kailangan kong manalo.

Bahagyang sinuntok ko ang aking kamao sa kabilang palad nang marinig ang cling ng bell, hudyat na magsisimula na ang laban.

Unang minuto, nagkatitigan lang kami.

Nagsukatan ng tapang.

Una siyang sumugod at katulad ng inaasahan, he used his left hook.  Nakaiiwas ako sa bawat malalakas na suntok n'ya. Sayang talaga't sa ere lang tumatama.

Hindi pa ako tumitira ng atake ay sumugod na siya gamit ang balikat. Nakulong niya ako sa gilid ng ring at pinagsusuntok--- combination ang ginawa n'ya.

Binuhat n'ya ako at 'yon ang nahanap kong pagkakataon para makulong ko siya sa aking binti. Sinuntok ko siya gamit ang aking right hook, tulad ng inaasahan ay bumagsak siya dahil sa pagkawala ng balanse.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon