Save The President

3.9K 131 52
                                        

TEASER

***

Third person's POV

"For profiling . . . the cameras are on set. Now, answer their questions," malinaw na tinig mula sa anim speaker.

Ang lugar ay may anim ding puting kwarto at bawat isa ay may kabataang nakapwesto. Prente ang mga ito na nakaupo. Kabataang naglalaro ang edad sa labing apat hanggang dalawampo. Bawat isa sa kanila ay may sari-sariling opinyon  sa bagay na kanilang pinasok.

Naglalaro sa isipan ng bawat isa ay ang kani-kanilang dahilan at saloobin.

"Why did you join?"

"Para sa panghabang buhay na rasyon ng candies!" excited na tugon ni Hzanny.

"Noong una ay nadamay lang talaga ako, kasali na ako at ngayon kailangan kong maging Alpha Senior—para sa ranggo," nakatulalang saad ni Geyl.

"Mukhang cool mapapalaban ako," asik ni Rougue.

"For the ranking, highest official— that's why I'm here," Standey dryly said.

"My skills brought me here, why not? M-magaling ako sa peke o hindi and other cheap things—oo mahirap lang ako. P-pera. I need m-money." Nakatungo si Jenyi habang sumasagot.

"Para sa ranking pero . . . 'yong totoo? Dark sites, and confidential information—dito ko lang makukuha," wika ni Rainer, kasunod ng pagsagot ay ang pagtaas ng salamin sa mata.

What do you think is your skill?

"Ha? Kailangan? Hindi ako magaling sa kahit saan. Tanga daw ako at lampa.... Pero matalino ako, napakilos ko buong barangay namin." -Hzanny

"I was a fortune teller—God! I miss Kristal. Yes! Manghuhula ako. Deducing ang ginagawa ko. Alam n'yo na 'yan—Magaling ako d'on . . . walang kontra." -Geyl

"Martial arts? Pisikal na lakas. Lahat ng sports." -Rougue

"My charm, g'wapo  ako—understood na 'yon. I can make them move using my words." -Standey

"I'm cheap. M-mahirap ako. Ukay-ukay. Online selling ....Alam ko kung legit ba o hindi. T-tsaka na-experience ko na ang lahat ng hirap."-Jenyi

"My brain, I know a lot. Kung magiging grupo kami ....Ako ang utak." -Rainer


Can you abandon your family?

"Ampon lang naman ako—pero mag-aalala si Daddy, grabe mag-alala 'yon, hi— . Kaya ko silang iwan para sa candies. " -Hzanny

"Ulila na ako—bolang si Kristal na lang ang meron ako at saka—" -Geyl

"I'm independent. I'm cool. Parents are cool. So yeah." -Rougue

"My family works here. This is my family's business." -Standey

"Si Mama lang tunay, peke si ate. Iiwanqn ko ang pamilya ko, pera. . .para sa pera. Para rin naman sa kanila 'yon." -Jenyi

"I grew with this kind of business. This organization is my family!" -Rainer

"What or who is your Collateral."

"Wait! 'Wag mo i-explain alam ko 'yan! Nabasa ko 'yan. Ang collateral damage ko ay si Dad? Si mom?—Yas! My family. Ang mga kapitbahay rin at mga Cactus—" -Hzanny

"Sino ba? Si Manong Kero? At ang bolang kristal ko." -Geyl

"My twin . . . next question!" -Rougue

"Si Maria Geyl— itago n'yo 'tong video. Shut your mouth to Geyl."-Standey

" Si Mama, baka i-kidnap n'yo sila— okay." -Jenyi

"Si Ate Venus, wait! My books. Keep this video safe baka—" -Rainer

What's your message to Mr. President of CAAO ?

"Naglayas rin ako noon, magpakita ka na—" -Hzanny

"We will help you. Hold on Mr. President. Kung mahuhulaan ko lang kung nasaan ka." -Geyl

"I'll fight for you." -Rougue

"You will be safe, I will do—not just the best but the something sure that you will be safe . . ." -Standey

"Mahahanap ka namin, kung mahirap ang pinagdadaanan mo. Shit. A tleast napagdaanan mo. Ako nga buong buhay, naghirap—mahirap. Nasa baba ka ngayon, Mr. President at ngayon—"  -Jenyi

"There's a high chance that you will be back here, completely—whole body. Hold on Mr. President. I'm the brain, I know, you will be safe when I handle the mission in finding you." -Rainer

What will be your  codename?

" Okay— I wanna Cactus." -Hzanny

"Senior na ako—kailangan? Clair!" -Geyl

"Rue." -Rougue

"Dey." -Standey

"Jewelry." -Jenyi

"Roman." -Rainer

Easy level test. One Question. S. O. S. Means?

"S.o.s ko po! Jusko po? Ibig sabihin may aberyang naganap?" -Hzanny.

"'Di ko mahulaan eh." -Geyl

"Sit ups over sidekick?" -Rougue

"Save our souls." -Standey

"Sossy on the sale?" -Jenyi

"Send out Succour " -Rainer


Last question, can you kill?

Ang anim na kabataan ay napatahimik at napa-isip. Isang tanong ang ibinigay at ngayon ay nahihirapan silang sagutin—at gawin.

Natagalan ang lahat bago maka-sagot. Hiwa-hiwalay man ng puting kwarto ay iisa ang nasa isip ng lahat— kung bakit ba sila sumubok ng ganitong mission.

"Sweet no."

"Hindi!"

"I killed..."

" Well, uhm. Yes."

"Mahirap mabuhay—mahirap pumatay."

"Of course."







___

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon