Connect the strings
Jenyi's POVKahit gusto ko pa'ng lumagi sa tabi ni Rougue para paggising niya ay ako pa rin ang makikita niya pero pinili kong samahan si Hzanny na bumilli ng gitara.
Sa Crimson City pa kami bumili dahil 'yon daw ang gusto ng kaniyang kuya. Halos isa't kalahating oras na byahe 'yon mula hospital.
Ako ang sumama sa kan'ya dahil syempre guilty ako sa nagawa ko kahit sinabi niya naman na hindi ko kasalan, and besides, Geyl is busy.... Nagpapakananay.
Pumasok kami sa shop. Madaming string instrument ang bumungad sa amin sa entrada pa lang. Si Hzanny naman ay dire-diretso lang sa na pawang alam na alam na ang bibilhin. Agad siyang dumiretso sa isang gitara na madali lang masilip mula labas. Kaya siguro 'yon ang nasilayan ni Vyz, ng kuya nya. It has a unique design, color brown, at mukhang mabigat.
"Hey, bibilhin ko na po!" sigaw ni Hzanny sa kahera. Nilabas ang mga barya-baryang inipon niya. Pansin ko naman ang sinserong ngiti ng cashier.
Ang saya ni Hzanny ng mabili ang gitara. Nakalagay na ito sa itim lalagyan. May kamahalan nga lang ito.
"Hzanny, punta lang akong shop na 'yon." Tinuro ko ang isang store. Hindi ko mawari kung anong business 'yon. Maari rin iyong mapagkamalang furniture shop. It's wood craft shop, I think. Napapansin ko ang binebenta nilang keychains.
Pumunta ako roon at agad nagtingin ng mga tinda. Napansin ko ang isang dream catcher, palm size lang ito pero still it looked so elegant. I like the feather thing sa dulo niyo. Maging ang kakumplikaduhan ng habi ng disensyo sa ginta ng bilog na frame ay nagustuhan ko rin.
Binili ko ang dream catcher at binalikan si Hzanny. Nagulat pa ako nang makitang may nakaakbay na lalaki sa kanya. They are in the same age. That point, maging si Hzanny ay naalarma. Siniko niya ang lalaki at pinilipit ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Halatang nagulat ito batay sa reaksyon niyang brutal laban sa lalaki.
"Hzanny!" sigaw ko nang akmang sisikmuraan pa ang lalaki.
Nilayo ko siya sa lalaki at pinakalma.
"Hasani, mawala ka lang ng ilang buwan, makakapatay ka na!" sigaw ng lalaki.
"Kream, sorry," sabi ni Hzanny. May peke itong ngiti.
"Kilala mo?" tanong ko kay Hzanny at tumango-tango naman ito bilang tugon.
Hinyaan ko silang mag-usap sa upuang nasa labas ng shop, habang ako naman ay iniintay silang matapos. Ngayon ko lang nakitang masaya si Hzanny. Malaking bagay nga siguro na makakausap siya ng kasing edad niya. Tawa siya nang tawa sa kinukwento ng lalaki. Naalala kong taga-Crimson City lang si Hzanny at doon siya pumasok ng high school. May be the boy was a schoolmate.
Nagtagal pa sila dahil nagpaturo si Hzanny maggitara. Lumapit rin ako dahil mukhang madali lang. Pero ng hawak ko na ang gitara ay parang naging baliw ang daliri ko at hindi alam kung saan ipwe-pwesto. Tinatawanan na lang ako ni Hzanny kapag 'yong daliri ko ay nakapormang duck-you-sign.
Magtatanghali na ng matapos kami. Umalis na si Kream. Habang nasa biyahe pauwi sa hospital ay kumuha agad ako ng chance para magtanong.
"Crush mo?" tanong ko.
"Crush ako!" proud na saad ni Hzanny,
"Shit 'to. Ano nga? Crush mo?" tanong ko pa ulit.
"Crush ni Hara---ng bestfriend ko," mula sa nakangiti ay nag-make face ito.
"Paubaya ka?" tanong ko.
"Hindi, iba ang crush ko," halos pabulong nasaad niya.
"Si Seph?"

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...