Geyl | 30: Hand Print to...

328 29 1
                                        


Handprint to ...
Geyl's POV


Naging mahirap ang mga araw na nagdaan. Ang dami kong nasasayang na papel dahil sa mga pa-essays, documentaries, at reaction papers.

"Musta school?" tanong ni Standey at halos sabay-sabay kaming nakauwi.

"Nakatayo pa rin. Ang ganda nga ng pintura," saad ko na lang habang inaayos ang mga papel.

"I'm talking to you, Hzanny," said Standey. Muli akong napatingin sa harap kung nasaan ang repleksyon ng loob ng elevator. Si Hzanny ay nasa likod ko't nakatingin na lang din sa pinto ng elevator.

Napataas ang kilay ko. Oh what? Pinahiya ako ng babaero. I saw on the reflection ng elevator na ako ang kausap niya.

Tumunog ang elevator, bumakas ito. Nakarating na kami sa floor namin at mabilis akong naglakad palabas.

"Okay lang daddy. Nakakuha ako ng five star," rinig kong saad ni Hzanny at kasunod n'on ay yabag ng takbo niya para habulin akong mabilis na naglalakad sa hallway.

"Ate, ikaw talaga ang kausap niya. Pinolosopo mo kasi e', " aniya. Hindi ako tumugon. I know Standey just want to annoy me.

"Bukas ang pinto ni Kuya Roman at amoy ulam. Baka doon ang dinner natin," asik ni Hzanny nang makapasok kami sa unit namin

"Anong klaseng ilong 'yan?" pabiro kong tanong. I just observed that Hzanny has things sensitive olfactory that she smelled Roman's activities in the last unit.

Sa katapat kong condo ko ay kay Rougue, sa kanan n'on ay kay Standey, at sa kanan pa n'on ay kay Roman. Anim ang condo at ang tapat na condo ni Roman ay bakante. P'wede siguro r'on si Hzanny para mas malapit siya sa tutor niya. I think?

Nang makapagbihis ay agad kaming sumugod kay Roman. Ang tanging naroon lamang ay si Standey at naabutan namin silang nag-uusap tungkol sa ilang bagay about stuff that we lack off.

Pansin kong wala pa ang mag-jowang sina Jenyi at Rougue. Lately, they don't quarrel and we felt weird. It's unnatural and something's wrong with that. Hindi lang ako maging ang iba ay nagsabing kailangang mag-usap ng dalawa.

"Kailangang i-soft copy. Kahit laptop ay wala tayo. Ang dami rin print-out na requirement sa amin. Tapos 'yong mga readings ko ay sa iba pa ako nakakakuha. Naabuso ko na ata sila," said Standey

"I once used computer in Foxtrot. I just finished my backstreet invention. Now, it's locked. We can use it but just in every weekend in Training House. About laptop, wala. Pahirapan!" said Roman.

"Wala rin akong pan-search sa assignments ko, definition lang naman. Pero-hassle pa rin mga kuya."

Nagbato sila ng mga rants nila tungkol sa kakulangan ng gadgets sa bahay. Cellphones, laptop, media, and whatnots for communication purposes.

In that part I also threw my rant about not having a laptop or any printing manchine. We talked about it and everyone thinks that we should talk to next mentors for them to provide us.

May nakahanda ng pagkain ngunit wala pa ang dalawa. Dahil sa inip ay kumuha ako ng mangunguya sa mini-fridge para may kinakain kami habang nag-iintay. Appetizer ba.

Napatigil na lang ako nang makita ang marka sa sahig at parang nakuskos na kung ano at pa-semicircle ito.

"Ah! About that—" Lumapit si Roman at pinagpatuloy ang sinasabi. "I just found out that we can move the fridge semi-circular. Look..."

Hinawakan niya nang dalawang kamay ang mini-fridge, at inikot ng 180 degrees. Nakabuo naman ito ng maitim na marka na pa semi-cricle. Pag-isod nito ay bumungad sa amin ang pader, parteng natatakpan ng fridge. May green na ilaw 'to na nakakapit at may nasulat na salita,

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon