|• ° Rougue's POV °•|
I was in Geyl's condo. Pinahiram niya sa akin dahil hindi ko maalala ang passcode ko sa hangal na pinto ng aking unit.
Nasa balcony ako at nagkakape. Ako daw ang mag-alaga kay na Cac, Tus, at San. Hindi pa ako p'wedeng umalis dahil bini-brief pa nila si Mom sa kung anong nangyari sa akin. And Geyl went to the Lionelle City, pinapabantayan niya sa akin si Jenyi na tatlong araw naman nang nasa unit niya lang. Hindi pa siya lumalabas mula noong araw pagkatapos ng awarding. Idagdag pa na tatlong araw na lang ay pasko na, wala ata siyang pamilyang bibisitahin.
Buti na lang din talaga, finally, ngayon ay nasa katabi kong balcony ang babaeng walang shorts at nakasuot lamang ng sobrang laking black t-shirt. Ang haba n'on ay abot sa binti niyang may ilang pasa. Sobrang gulo ng buhok nito. Itinaas pa niya ang sugatang kamay na--- muli kong napansin ang singsing sa daliri nito --- parang inaabot niya ang araw.
"Maligayang pagbabalik sa mundo," usal ko na lang. Agad naman siyang napalingon sa akin. Natulala pa ang stupida. "'Yang kulay dilaw na bolang umiilaw, araw 'yan. Tapos 'yang nilalanghap mo, hangin 'yan. Tingin ka sa baba, 'yang mga parang langgam na nakikita mo, tao 'yan. Nga pala, sa isang bahagi ng mundo ay gabi tapos dito ay umaga kaya tara kape tayo."
Nakatulala lang siya sa akin. Para siyang pinagsakluban ng langit at impyerno pero . . . pero ang cute niya sa malaking t-shirt.
"Ba't 'di ka lumalayas?" tanong niya. Tinitigan pa ako nitong mabuti na pawang nagninigurado sa presensiya ko.
"Later," usal ko. Lahat kasi kami ay required na umalis para magbakasyon. "Anong nangyari sa'yo? Broken ka ba? Iniwan ka ng boyfriend mo or I mean---" fiancè.' To mention she looks so young to have fiancé but she has a diamond ring.
"Oo, sakit nga eh."
"Ano naman pangalan niyan at napakahangal?"
"Rue. His name is Rue. Iganti mo 'ko." Kita kong may kumisap marahil natamaan ng sikat ng araw sa mukha niya nang sandaling bumaling ito para pumasok paloob. Luha 'yon. Umiyak siya.
Dahil iyon rin ang araw nang pagpunta ko kay Mom ay naghanda na ako para sa byahe. Sa katanghalian pa ang pagpunta ko r'on dahil may schedule raw si mom sa umaga.
Mahina na si mom dahil sa EMG na 'yon. She's old and she needs me. Sabi ko sa sarili ko nakikilalanin ko ang sarili sa natitirang palugit ng organisasyon bago magsimula muli sa pagtra-train at paghahanap pero naisip ko si mom. I should take care of her instead. May be she knows me well. I can help her and she can help me the most.
Dahil naiinip ako at ang oras ay mabagal, nagluto ako ng agahan para kay Jennie Yira. Pupuntahan ko sana siya para yayain sa unit pero eksaktong nakasalubong ko siya. Nakabihis ito at halatang paalis na.
Hindi naman sa pagmamalabis pero gulantang ako dahil parang kanina lang ang cute ng mukha niya pero ngayon biglang naging agresibo at isang kulbit mo lang ay baka nakain kana. She has now strong features. I can feel gothic vibes on her pero hindi naman siya naka-all-black.
Nasa hallway kami nang magkasalubong. Napatigil kami at may puwang sa pagitan namin. Naglakad siya pero hinaharang ko ang aking katawan para hindi siya makadaan. Pumunta siya sa kanan pumunta rin ako. Kumaliwa siya kumaliwa rin ako. Para bang ayaw ko siyang paalisin kaya nakikipagpatintero ako.
"Let's have a breakfast," wika ko.
"Busog ako, tatlong araw akong lumalamon sa unit ko."
Lumakad siya pa kanan at hinarangan ko siya. Bawat paggalaw niya talaga ay hinaharangan ko.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...