Jenyi | 33: Drugs 1

344 30 0
                                        


Drugs (Part 1 of 2)
Jenyi's POV

(content warning: drug use, body failure rate, claustrophobia.)



P'wede naman sigurong itanong ko kung anong shampoo n'ya o kaya kung anong pabango? P'wede rin kung sinong crush o kung girlfriend ba nya 'yong babae na lagi niyang kasama.

Ang tagal ko na s'yang 'di nakakausap. I always feel pang in my chest whenever that thought stumbled on my mind.

I missed him. . . really!

"Shit~ Umuulan."

Natapos ang two hours drive at nag-stop over na kami. It totally means na kasama ko na si Rougue sa sasakyan at papunta na kaming Training House katulad ng nasa command.

Dalawang oras pa muli ng byahe. Dalawang oras kong titiisin ang presensya niya.

Tinaas ko ang bintana ng kotse sa gawi ko at napatingin ako sa gawi ni Rougue na bukas pa rin ang bintana.

"Close the---" Napatigil ako nang maalala kong may phobia nga pala ang asmaw.

But what made me puzzle is I saw him closed it.

Minutes later I saw him breathing heavily at panay ang tapik niya sa manibela. Niyuyog na rin niya ang binti niya na parang naiinip.

Isang oras na kaming bumabyahe at walang nagsasalita sa amin.

'Please, magsalita kang mokong kang, asmaw ka,' saad ko na lang sa isip.

"Ma-may problema ba?" tanong ko sa kanya pambasag ng katahimikan.

"Wala," mabilis niyang sagot.

Natahimik ako ng ilang saglit at halos minuto ko rin pinag-away ang isip at puso ko at last I'm decided to speak.

"Breathe there's air. " Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon pero napanuod ko kasi sa CD parang 'yong mga may claustrophobia, akala nila walang hangin o kaya maso-suffocate sila kahit konting sakal o konting taklob lang. Inulit ko muli ang katagang iyon at tinuon ang atensyon sa byahe kaysa sa kanya.

Mabuti ay maayos siyang nakapag-drive kahit parang konti na lang ay magwawala na siya.

Maayos kaming nakarating sa Training House. Katulad ng nakaraan ay nahuli sina Geyl at Hzanny, halos kalahating oras silang late.

"Totoo ba 'yong buntis-buntis na sinabi mo?" tanong ni Hzanny  papasok sa loob ng bahay.

Worried pa rin ang bata. 'Yong ate ko, buntis.
"Oo, pero 'wag na natin 'yon pag-usapan," asik ko.

Naramdaman ko naman ang pagtingin ng boys. "Sinong buntis?" tanong ni Rougue.

Sa wakas ay nakuha ko na ang atensyon niya. Sasagot na dapat ako nang may narinig kaming busina sa labas. Nakakapambulabog na busina ang ginagawa nang sasakyang iyon.

"Sino 'yon? Gabi na ah? Akala ko umalis na 'yong mga sasakyan," saad ni Standey.

9 P. M. kami nakarating sa Training House.

Sa ganoong oras na may sasakyan pa sa labas ay hindi usual.  Hindi maganda ang kutob ko lalo na't, "Familliar 'yong sasakyan," wika ko.

Lumabas kaming lahat kahit may konting patak pa ng ambon. "What do you need?" tanong ni Roman. Nakatutok kasi ang headlights ng sasakyan kaya silhouette lang ng tao ang kita namin.

May tinaas siyang phone at halos maningkit ako, makita lamang ito. 'Yong case ay familiar sa akin. Pink and violet floral case ito.

"Jenyi!" sigaw nila nang tumakbo ako palapit sa sasakyan.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon