Jenyi | 45: Day

282 27 0
                                        


Day
Jenyi's POV





Nagising ako sa bahagyang uga ng takbo nitong sasakyan. Madilim sa paligid at tahimik. Sa kabila ng jacket na nakatakip sa katawan ko ay tumatagos pa rin sa buto ang lamig.

"Nakatulog ako?" tanong ko.

"Oo, nagising ka 'di ba?" wika niya.

Sinuntok ko naman siya sa balikat dahil sa sagot niyang iyon. Tinawanan lang ako ng asmaw.

Bago kami umalis sa bar, pinag-usapan naming dalawa ang lahat-lahat. It was so tiring. Lahat ng luha ko ay naibuhos ko sa kinuwento niyang na parang entry sa isang drama anthology.

Naiiyak pa rin ako 'pag naalala ko ang bawat  detalye. Nakakatangina.

Nakatulog ata ako sa pagod at bigat ng lahat ng nalalaman ko.

And speaking of sleep, "Tatlong araw akong hindi nakatulog at nakakain." Naramdaman ko ang mabilis na sulyap niya sa 'kin. "Nagugutom ako," pag-amin ko. "Pero kung iiwan mo 'ko para bumili ng pagkain 'wag na lang baka pagpagising mayr'on na namang---"

"I promised right? That won't happen again."

That night when I almost got rape he promised something...

Natauhan ako at mabilis na nag-sink in sa akin. Sinangla ko ang kaluluwa ko kay Jay na dakilang impostor. Tinuring ko s'yang kuya, tinuring ko siyang pamilya, sila ng Daddy niya o Tito kasi patay na 'yong totoong magulang niya.  So it did make sense na... Rougue promised me na huwag ko na muling mararanasan ang ganoong karahasan pero ako mismo iyong pumasok sa karahasan na alam kong ikakapahamak ko . . .and shit, with his twin pa!

Napatingin ako kay Rougue and asked myself how did he manage to forgive me?

"Besides, nagpaliwanag pala si Chul tungkol sa nangyari. He's taking Psychology at Luvriana University. He's working while studying, hindi talaga pala na siya nakatira sa bahay na 'yon.  He tried na itago ang susi ng kwarto mo dahil hinahanap ng mga lalaki--- ng mga dati naming kasama--- pero wala ng nagawa si Chul. I'm sorry, they did that," said Rougue.

Umiling ako, big part of me want them to pay. Mostly I want them to be on the right place.
"And I'm starting to forget it." Other Califan Agents can handle them. I know. That night scares me to death and this night taught me more about myself. I should not give myself  beacuse this is my own possession to take care of.  I can be at danger, its either by people sorrounds me or even within my own decision.

To make the mood light I diverted the topic but still mentioning Chul." At, alam mo bang kilala niya si Geyl, blockmates sila. Blazer ni Chul 'yong nilabhan ni Geyl." Nabanggit sa akin ni Geyl noong tinanong ko kung paano niya nakilala 'yong manyak na 'yon. That maniac! Yes. Until now, I don't have an energy to ask why the hell he was touching my face the very first night we met. Weird shit.

Napangisi si Rougue, "Kawawang Chul madaming ka-compete."

Kahit gutom ako ay wala kaming oras para tumigil. Mag-isa lang sa condo si Hzanny. Hindi kami mapalagay.

Sa byahe ay pinagtalunan pa namin ulit kung bakit walang naiwan para magbantayan kay Hzanny.

****



"To seekers,

Hzanny is at her family.

From CAAO,"

Nakarating kaming hotel halos magaala-una na.  Naabutan namin sa Romulus White ang isang hologram na nakalutang, iyon ay nasa  pormang tablet. Bukod sa sinabing nasa kaniyang pamilya si Hzanny ay may pirma rin ito niya patunay na hindi pwersahan ang pagkuha nila.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon