Jenyi | 11. Not Found

462 43 24
                                        

not found
Jenyi's POV


Dahil sa nakakapagod na activities ay agad kaming nakatulog kagabi. Medyo nag-aalala pa ako kay Hzanny dahil hindi siya nag-dinner.

Ako ang nagising nang maaga at napagdesisyonang mag-prepare ng umagahan. Nang makapunta ako sa kusina ay agad kong napansin na wala ang presensya ni Rougue. Mas maaga siyang nagigising kaysa sa 'kin. Nagpapalaki siya ng muscles tuwing madaling-araw.

Inisip ko na lang na baka napasarap ang tulog o kaya hindi na niya kailangan ng exercise dahil kahapon palang ay halos mismong katawan na namin ang sumuko.

Sinimulan ko ang pagluluto at habang iniintay na maluto ang kanin ay nagprito ako ng ulam. Hindi nga 'to healthy katulad nang sinasabi ni Rougue pero malulusaw naman din ito sa katawan namin dahil sa bigat ng training.

Napatingin ako sa taas ng hagdan dahil may mahina akong tunog na narinig. Binalewala ko lang 'yon pero ilang minuto ay nagbalik lang rin ang atensyon ko sa taas. Napatingin ako sa railings ng hallway, kita rin naman ang pinto ng girls' room at bahagya naman sa boys room. Naiisip ko bigla na dapat sa oras na iyon ay gising na sila Standey at Roman pero nagtaka ako't hindi pa nga sila bumababa.

Napagdesisyonan kong tumaas muna para sana matulog muli.

Habang nasa gawi ako papuntang kwarto ay napansin ko agad ang screen sa pinto ng boys' room. Dati naman ay doorknob 'yon na may logong pamaypay na corona.

Nilapat ko ang tenga ko sa pinto at may mga katok akong naririnig. Shit? Napatanong pa ako kung anong trip ng mga lalaki.

Sinubukan ko ring kumatok. Hindi ako tumigil at dahil ata sa ingay ng mga katok ko ay nagising si Geyl.

"Naunahan kong gumising ang mga boys?" tanong ni Geyl. Nagkusot siya ng mata bago tingnan ang pintuan ng Boys' Room

"Yeah," sagot ko.

"Oh? Maaga silang gumigising . . . something happen? Nag-away ba ulit kayo ni Rougue?" takang tanong niya.

"No, masyado pa'ng maaga. At ..." Tinuro ko ang parteng doorknob. "May screen sa pinto." Sinubukan kong kumatok. "Rougue! Boys!" Pinagpatuloy ko lang ang pagkatok.

"Passcode." Narinig ko iyong sinabi ni Geyl habang seryosong nakatingin sa screen.

Sa screen nakalagay ang:

not found
⬜ ⬜ ⬜

May tatlong box sa baba na dapat lagyan ng passcode. At ang clue lang ay not found.

"Only one chance to enter the passcode." Pagbasa ni Geyl sa pinakababang parte ng screen. Nakita ko ngang maliit ang pagkakalagay ng mga salita nito.

"Alam mo Geyl . . . mga lalaki sila, kaya na nila 'yan. Bumaba na muna tayo para kumain."

Hindi s'ya nakinig at kinatok ang pinto.

"Roman! May password! Hey there!" Kumatok s'ya nang kumatok. Lumapit ako at inobserbahan ang pinto. Ang bawat katok ay solido . . . masyadong makapal ang pinto para marinig nila kami.

"Sa tingin mo naririnig kaya nila tayo?" tanong ni Geyl.

Nagkibitbalikat na lang ako't sumigaw. "Boys! Ilabas n'yo nga d'yan 'yong hayok sa kalusugan!"

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon