Hzanny | 42: Critical

282 32 0
                                        

Critical
Hzanny's POV

Napakagulo sa condo. Siguro iyon ang patunay na mahirap maging matanda. Madami kagagalitan kapag nag-jowa.

Si Kuya Vyz ko nga eh, once lang iniwan, halos mawala na sa bokabularyo n'ya ang salitang love. Malapit na rin ang birthday ni Kuya Vyz kaya nag-iipon ako ng pera panregalo sa kanya.

"Wala na, ubos na po. Bukas naulit," sambit ko sa kaklase ko. Dumadami ang costumer ko. Nagbebenta lang naman ako ng candies at chocolates. Gusto ko kasing bilhan si kuya Vyz nang mamahalin mula sa pinaghirapan ko.

"Hindi ka ba natatakot na mahuli?" tanong naman ng kabarkada kong si Seph.

"Bakit sinisipag kabang magsumbong?" maangas na tanong ko sa kanya.

Kaibigan ko siya. Lagi niya akong sinasamahan kahit saan pero palagi rin niya akong inaaway buti na lang ay marami pa akong p'wedeng samahan bukod sa kanya. Ang dami kong kaibigan, halos lahat ng kaklase ko, kahit hindi nila ako kaklase noong first semester ay close kami.

"Saan mo gagastusin 'yan? Mukha ka namang mayaman," wika pa niya.

"Hindi ah, maganda lang," wika ko bago siya kindatan.

Napabaling na lang ako dahil may sumigaw ng pangalan ko mula sa first row ng classroom. "Hzanny! Pahiram ng assignment sa A.P."

"Kuhanin mo sa bag ko!" sigaw ko.

"Ba't ang bait mo masyado? Kaya ang daming nagkakagusto sa'yo," ani Seph.

Hinampas ko naman s'ya. "Dadagdag ka?" tanong ko pa.

"Ayoko ko. Gusto ko, ako lang," asik niya at biglang nag-walk out.

"Ang landi mo," sigaw ko na pabulong.

"Hzanny, anong balaguer?" tanong ng taong nanghiram ng notebook ko.

"Apelyi--- wala, Ramirez 'yan. Ba't mo ba pinapansin? 'Wag mong sabihin pati pangalan ko ay gusto mong kopyahin? Originality naman d'yan oh!" asik ko.

I'm still used to with my original surname. I think, I can't stand not being Balaguer, we have specific trait na sa amin lang magpapamilya. I hope matapos na itong mission.

Hindi naman sa ayaw ko ng surname ni Ate Geyl pero binanggit sa akin ni Ate Geyl na Austria talaga ang ang apelyido ng papa n'ya. Tapos ang Ramirez ay sa kaniyang mama.

Mas gusto kong Austria para lang una sa attendance. Nauubos kasi ang time sa akin kapag pinapa-explain ang first name ko.

****


Pagkarating namin ni Ate Geyl sa hotel, nakita na lang namin ni si Ate Jenyi na umiiyak. She's kawawa. Nagbihis muna ako n'on at gumawa ng assignment bago pumunta sa unit ni Ate Jenyi.

"'Wag mo kong sasampalin!" sigaw ko nang makapasok sa condo ni Ate Jenyi. Naka-postura na kasi ito. Ang taray-taray ng itsura niya. Para s'yang kontrabida sa isang pelikula. Iyong mata niya, iyong makeup sa mukha niya, at ang suot niya ay ibang-iba. Mula sweet girl ay naging baddass siya.

Nagpaalam sila sa akin na magba-bar daw sila.

"Oh, Hzanny alam mo ang sasabihin sa tatlong lalaki, 'wag mo kaming ilalaglag. Minsan lang 'to," ika ni Ate Geyl at sinuot ang 'di kahabaang bottoned poncho.

" Ba't ba kayo magbabarik?" tanong ko.

"Barik?" takang tanong ni Ate Jenyi.

"Barik means inom ng alak, from Batangueño word na inaral namin para legit probinsyana. O' just for the sake of this mission!" paliwanag ni Ate Geyl.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon