Ong
Geyl's POVUmalis kami nang hatinggabi sa Training House. Ang takbo ng aming plano kung paano makabalik ay kabaliktaran ng dati. Kami lang ni Hzanny at hindi kasama ni Jenyi. Pagkatapos n'on ay bumaba kami sa furniture shop at d'on pa kami nagkasamang tatlo.
Kayang tuwang-tuwa naman 'tong si Jenyi dahil naka-usap pa si Rougue at sinambulat sa akin na nag-confess s'ya.
"Hinalikan lang ang kamay mo, hindi ibig sabihin n'on ay gusto ka rin n'ya!" pangaral ko.
O' god! Buti na lang tulog si Hzanny sa ganitong mga usapin. " 'Di naman porket gusto mo ang isang tao, dapat magustuhan ka rin niya," asik niya.
Tunog inlove ...kadiri.
"Sasaktan ka din n'yan."
"Hindi s'ya si Standey."
"Pero lalaki din s'ya," ani ko.
"Lalaki rin si Roman," wika niya na dahilan nang pagkakatigil ko at biglaang pananahimik.
"Magtapat ka gusto mo ba talaga si Roman?" tanong pa niya.
Hindi ko sinagot ang tanong niya kaya't hanggang klase ay binabagabag ako. May langaw pa na gumugulo sa akin.
"Geyl! Kamusta?"
"Jullion, umupo ka sa upuan mo. Parating na si Mrs. Galvez."
"Ba't may pasa ka sa mukha?" seryosong tanong niya.
"Gusto ko lang," sagot ko na lang sa kanya.
"Ine-expect kong sasabihin mo na nadapa ka lang o nadulas o kung ano. 'Yon ang napapanood ko sa movie eh."
Tiningnan ko siya na parang bored na bored ako. "Layuan mo nga ako para kang langaw."
"So, tae ka?"
"Mukha ba akong tae?"
"Hindi, hindi ako nagkaka-crush ng tae."
Oh what?
"Crush?" tanong ko. Nakataas ang kilay ko sa kanya na nagsasabing kailangan ko ng paliwanag sa katagang binitawan niya.
"Yes, crush?"
"Ang landi ah, hindi mo nga maplantsa ang polo mo," asik ko.
"Turuan mo kaya ako."
Napatigil ako sa sinabi niya, wala ba siyang ibang kasamahan para mamalantsa ng uniform niya? Ate, kuya, lolo, tita, parents?
"Nasaan ang mama mo?" Hindi makatinging tanong ko.
"Upo na ako sa upuan ko. Mamayang lunch ha, sabay tayo. "
Umalis siya sa pambwi-bwisit sa akin.
O' I feel guitly but that act was effective.
At time nang lunch, nagpa-late ako nang konti sa cafeteria para wala akong makitang kakilala ko o kahit si Jullion.
Pero!
May pangyayaring makakasalubong ko si Standey mula sa left wing kaya naman napadirestso ako sa CR. The impulsiveness! Napunta ako sa pila ng mga taong gustong umihi.
Napagdesisyonan kong sa kabilang hagdan na lang ako dumaan para makapunta sa cafeteria nang hindi siya nakakasalubong.
"Inintay mo talaga akong mag-lunch. Sorry, nakatulog ako sa library. You know, scholar, dean lister. Hirap maging matalino," umiling-iling pang sabi ni Jullion.
Umupo siya sa harap ko.
Nasa cafeteria na kami para kumain.
"Hindi kita inintay. Hindi ako sumasabay sa pagkain sa taong galing CR."

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...