Tablado
Third Person's POVAla-sais nang umaga.
Habang nag-iintay sa agent na magtuturo sa kanila, ang anim na kabataan ay nag-uusap sa kung anong magiging pangalan ng kanilang grupo.
"Six seekers?" tanong ni Jenyi
"Tunog sardinas," asik ni Rougue.
Seryoso ang lahat. Lalo na si Roman na parang nagpapadaloy na lang sa kung anong maisip ng grupo. Si Standey ay naka-focus rin sa pag-iisip kung anong magiging pangalan ng grupo. "P. Seekers," banggit niya.
"Huh?"
"President seekers."
"How about, Geeseekers?" tanong naman ni Geyl. Mula sa kantang Twelve days of Christmas na ang lyrics sa pang-anim na parte ay;
'Geese a laying'.
"Alam mo pagsumikat tayo, maihahayag tayo sa d'yaryo tapos sa frontpage pa lang ay limang 'E' na ang makikita nila," patutdya ni Rougue.
"Dude, tell us what's on your mind. C'mon . . . hindi 'yong kinokontra mo lang kami," usal ni Standey.
Malaking ngiti naman ang ginawad ni Rougue. Timighim muna ito bago magsalita. "Anim--- mal. We are the Animal. Hayop sa galing."
"I'll go kill myself playing gun." Tumayo si Roman sa kinasasadlakan at umiiling na naglakad. Pawang nawalan na ng gana sa narinig.
"Hey, Roman." Hinablot ni Geyl ang kamay ng binatang paalis sana. "‘Wa-wala ka ba'ng suggestion?"
Napatingin naman ang lahat kay Roman. Siya na may mukhang panghenyo at tunay na matalino ngunit . . . sa lahat siya lamang ang wala pang naiiambag sa magiging pangalan ng grupo.
Hinintay siya ng lahat upang sabihin ang suggestion niya.
"None," tipid na sagot ng binata.
Nakahawak pa rin ang kamay ni Geyl kay Roman at mapait naman 'tong tinitigan ni Standey. Nakukurap na lang siya sa magkahawak na kamay ng dalawa.
"Kuya Roman naman oh. Go, tell us what's on your mind!"
Natahimik ang lahat. Hinintay nila ang sasabihin ng pinakamatandang miyembro ng grupo.
Tinaas ni Roman ang salamin nito na dumudulas sa tungki ng ilong at binuka nito ang bibig para magsalita. "Searchairman."
Lahat ay natahimik--- si Hzanny nakabuka ang mga labi na pawang may gusto lumabas sa labi niya ngunit napili niyang 'wag na lamang magsalita.
"Maganda," usal ni Geyl.
"Oo nga..." pag-sang ayon ni Jenyi.
Lahat ay natahimik sa kadahilanang halos lahat kasi sa kanila ay gumamit ng six at seeker na salita. Hindi nila naisip ang ibang term katulad ng sinabi ni Roman.
"Mag-i-i-stretching muna ako," saad ni Jenyi.
"Manununtok muna ako ng hangin," kaswal na saad ni Hzanny.
"Mamamaril muna ako," ani Rougue.
Gumalaw ang lahat para mag-training. Nagulat na lamang sila nang may boses na nagsalita at hindi nila mawari kung saan nagmula. Bakas sa tunog ang solidong luom ng boses na para galing ito sa isang speaker na 'di nila nakikita.
"Good morning, Seekers. Something happened. I want Rougue to teach all you about his yesterday's activity. Do it well. This is a task. Good luck!"
Kanya-kanya namang reaksyon ang lahat.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...