Geyl | 36: Red Flag (2/2)

320 37 0
                                    

trigger warning: violence

___

Red Flag (2/2)
Geyl's POV


"Buhay pa ba 'yan?" tanong ni Standey kay Rougue.

Bigla na lang kasing nawala si Rougue sa paglalakad namin sa gilid ng ilog. Nakita na lang namin siya na may suntok-suntok na Junior Rank.

"Bigla akong hinigit papunta dito, kasalanan niya 'yan," ika ni Rougue. Nasa likod namin siya sa paglalakad. Hinigit siguro para itumba kaso ang nangyari ay ang kabaliktaran.

"Listen, kailangan mag-ingat dahil bigla-bigla na lang silang nanghahatak. Iniisa-isa tayo," paliwanang ni Standey.

"Ang dami nila masyado," angal ni Hzanny.

Magtatanghali na at tirik na tirik ang araw. Mas pinili naming maglakad sa ilalim ng lilom ng puno para hindi kami mapurwisyo. Tanaw pa rin naman ang ilog, maging ang tunog ng mahinang agos nito.

"What the hell, what was that?" tanong ni Roman ng napatid ang isang lubid. Dahil doon ay tumunog ang mga latang nasa itaas.

Sa tunog na iyon ay naalarma kami, may biglang lumabas din na limang kalalakihan. Hindi sila sumusugod o lumalaban, nakangisi lang sila sa amin.

Si Rougue sana ang unang aatake pero pigilan ko siya. Naalerto na lang nang may isang Junior Rank na sumugod mula sa likod ni Roman. Sa isang iglap lang ay napatumba niya ito.

"Throw him in the middle, Roman," utos ko habang nakaturo sa espasyo sa pagitan namin at ng limang noo'y nakangising Juniors.  Nang sabihin ko ang pagtapon sa walang malay na Junior ay nagulat ang lima.

Si Rougue ang gumawa. Binuhat niya ang katawan ng Junior Rank at itinapon sa  lupang nakapagitan sa amin.

Agad nang nahulog ang lupa sa parteng iyon at lumubog.

"Trap!" sigaw ni Hzanny.

Nakita naming tumakbo ang limang Junior.
Hinabol namin sila at nag-ingat na huwag mahulog sa mga patibong.

"Baka may mga patibong pa, mag-ingat!" sigaw ni Standey at naabutan ang isang Junior.

Hinarap niya itong may kutsilyo at kamuntikan nang masaksak. Panay siya iwas sa sugod ng kalaban.

Naputol ang panunuod ko sa laban ni Standey nang may maramdaman akong yumapos sa akin sa likod. Binuwelo ang ulo ko't inuntog sa kanya. Sunod na atake ko ay ang pag-apak ko sa kaniyang paa.

Napahiga siya't iyon ang nakuha kong pagkakataon para masuntok ko siya sa mukha.

Nakuha niya ang kamay ko at hinigit pahiga. Muli niya akong nasuntok.

Tanging nagawa ko lang ay kumapa sa lupa at para maghanap ng kung ano.

Nahawakan ko ang isang bato. Ibinuelo ko iyon pahampas sa kanya ngunit na hawakan niya ang kamay ko.

Pinilipit niya ito patalikod kaya't ang kaninang sinasandalan kong lupa ay halos halikan ko na.

Napasigaw na lang ako sa sakit nang pagkakapilipit.

Narinig ko pa ang tawa niya dahil sa itsura kong nahihirapan na.

O' damn!

Sa inis ko ay nagawa kong sumipa patalikod at natamaan ko ang kanyang likuran. Lumuwag ang kapit niya sa akin at nagulat na lang ako nang diresto s'yang bumagsak sa akin hindi dahil sa sipa ko kung 'di dahil sa may humampas sa batok niya.

Nakita ko si Standey na naka-aro ang kamay sa akin senyas na gusto niya akong tulungan.

Inalis ko ang Junior walang malay na nakahiga sa akin. Tumayo ako. "Hindi mo na dapat ako tinulungan," saad ko.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon