3rd Person's POV | 5: All Seekers

638 43 11
                                    

Third person's POV
All Seekers

"Welcome back, Seekers!" Maliksi ang boses ng isang babae na siyang napapakinggan mula speaker.

Ngayon ay sama-sama ang anim na kabataan. Tinatawag nila itong Seekers na siyang bago sa pandinig nina Jenyi, Rougue, at Hzanny. Ilang araw na ang lumipas simula noong unang nagtagpo ang anim at ngayon ay lilipat sila sa bahay na nasa gitna ng gubat. 'Yon ang magsisilbi nilang tirahan habang nasa ilalim sila ng mabigat na ensayo.

"You've answer the profiling and now, I would like to explain," wika ng boses sa speaker. "The president, Mr. Califan is missing. The Califan Assasinating Organization or CAAO want all of you to find him. The organization might fall without him," sambit nitong klaro.

"Listen . . .  halata naman iyon sa decision n'yo ngayon pa lang. Dapat highest official ang in-assign dito at hindi kami," Standey butted.

"Three of the highest official died and ten Alpha Senior died, the night when you had your third interview. The Mentors concluded that the murders happened and planned well because the Silent Organization and other gangs already presume that... we will send those elite. At  this time  kailangan na  namin ng  mga tao na hindi mapaghihinalaan," sambit ng boses na matiyagang pinapakinggan ng anim na kabataan. "Sino bang mag-aakala na kayong anim na kabataan--- na tanging exam ang prinoproblema--- ay ang may hawak ng misyon?"

Pawang lahat ng kabataan ay naintindihan ang pinararating ng babae sa speaker. Natahimik si Standey. Napaisip si Geyl at minasdan ang paligid para maghanap ng camera. Mahahalata sa mukha nina Jenyi at Hzanny ang kaba habang seryoso naman si Rougue.

"You seekers, will be trained.  Months with a lot of codes, physical activities and excercises. Now, we have hint where they hide the president but it's not enough. Kailangan nating maghintay ng mga hint. You will be under the  training hanggang sa dumating ang mga clues na magtuturo kung nasaan ang presidente. For now, you will stay in one house and also  in one school, " paliwanag ng boses.

Doon na nagsalita at nagtaas ng kamay ang litong si Hzanny. Siya ang pinakabata sa lahat at ang tanging tumatakbo sa isipan niya ay isa lamang itong laro.

"Mag-aalala si Dad!" asik ni Hzanny habang nakataas ang kamay na may mantsa ng kahel mula sa kinakain nitong tsitsirya. 

Nagtinginan  lahat sa kanya. Nagsalita na rin si Rougue na siyang may dala ng malaking travel bag. "Naipaliwanag naman na sa amin 'yan! Nawawala ang presidente, kailangan tumira sa iisang lugar, at may payment kaming makukuha," Tumingin siya kay Hzanny, pati sa apat na kasamahan, at pakuwa'y sa speaker. "Ligtas ba ang pamilya namin? " tanong niya.

Si Jenyi na ilang araw ng tahimik, dahil hindi makapaniwala sa pinasok, ay binalot ng kaba. Nanatili siyang kasama sa grupo at sumunod sa mga utos nitong nagdaang araw kahit labag sa kanya. Iniisip na lamang niya ang gantimpalang kaniyang matatamo.

Pagkatapos ng araw na 'yon sa Cafe ay lumabas siyang tulala at tikom ang bibig. Dumaan ang araw at maraming tanong ang kailangan n'yang sagutin.  Ngayon ay opisyal na siyang kasama sa tinaguriang Seekers.

"Ilan lang sa inyo ang may pamilyang tinuturing. May hinanda kaming device sa bawat tao na makakasalamuha ninyo na kukwestyonin ng misyon na 'to."

"Ano?" tanong naman ni Geyl.

"Baril."

Lahat ay napatigil, natikom ang bibig, at makikitaan ng gulat sa mga mata.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon