!!! - Trigger Warning. Contains inappropriate event that you may not grasp naturally. R16+ Chapter involves sexual content that may set you off. The story and this chapters do not promote nor support any sexual exploitation. This is just a work of fiction.
Jenyi's POV
Prank
Jenyi's POV"Ang langgam."
"Ang guyam."
'Yan ang narinig ko sa mag-ate bagay na kinakunot ng noo ko. Agad ko naman na tanong si Hzanny sa kung anong meron.
"Medyo sweet kasi kayo ni Kuya Rougue," sagot niya at narinig naman 'yon ni Rougue na agad na nag-react.
"Not cool!" sigaw nito.
Tumawa na lang ako dahil natanto kong ang pagka-lover boy niya ay umiikot lang sa aming dalawa. Kung makatanggi siya sa akin ay parang hindi siya nag-stay-with-me at parang 'di humahalik sa kamay.
Well, I already expected his act of indenial.
"Hindi pala sweet sa 'yo," kutya ni Hzanny."Oo eh," malungkot ko na lang na saad kahit alam ko sa saliri ko na mas sanay akong makipagbangayan kay Rougue.
"Magpasuyo ka," sumbat ni Hzanny. "Like, biglang topakin. Tingnan mo, biglang na lang magiging sweet 'yan," aniya.
Bahagya akong napasingkit sa kanya.
"Saan mo napulot yan ah?""Hello? Sweetness is my another half!" asik niya. "Pero nabasa ako lang sa fiction books."
Napatango ako, "Try ko nga."
"Talaga?"
Kita ko ang pagkasabik sa mata niya kaya natawa ako at bahagyang binawi ang desisyon. "Tinatamad ako eh. Okay na sigurong nag-aaway kami lagi."
Tumango siya. "Pero sayang gusto ko pa namang malaman kung anong reaction ni Kuya Rougue. Napanuod ko kasi sa vlog sa cellphone ng kaklase ko. Ignoring my boyfriend prank."
Shit? Who is my boyfriend? Hindi na kami ni Rougue, we never again talked about our relationship.
Napaharap ako kay Hzanny, "Tigilan mo ako Hzanny, i-vivideo tapos ipo-post mo para sa money?" tanong ko. Tiningnan ko siya nang masama.
"Oo eh, kaso wala tayong mga gadgets. Nakakahiya."
Shit?
Parang gusto kong itapik kay Hzanny ang Romulus White, Transparent Glass for Detonation, Foxtrot, Contact lense ni Geyl at mga robot sa shooting range.
"Kawawa," aniya nakatingin kay Rougue na nakikipag-usap kay Roman.
"Ikaw ang kawawa." Nginisian ko siya, "Watch me." Nag-walk-out ako.
Pumunta ako sa unit ko at tinapos ang dapat gawin. Dahil alam kong dakilang asmaw 'yon ay ine-expect kong isang oras pa bago ako sundan ni Rougue pero nagulat ako na kalahating oras pa lang ay may nag-doorbell na.
Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. May sasabihin pa lamang siya pero 'di ko pinakinggan, agad akong tumalikod at pumunta sa kwarto ko para tapusin ang mga gawain. Tiningnan kong mabuti ang report presentation ko at in-ignore ko lang ang presensiya niya.
Well, sabi ko I will observe kung paano ito manuyo.
"May . . . may problema ba?" tanong ni Rougue na nakatayong parang batang nanghihingi ng limang piso.
Ako naman 'tong parang galit na teacher na nagsusulat ng lesson plan. "Wala naman," malumanay pero may bigat na usal ko.
"Akala ko tumae ka lang." Dumapa siya sa kama at nakaharap sa akin.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...