Geyl | 54: Brown bracelet.

263 22 0
                                        


Brown bracelet
Geyl's POV




Everyday is our tough day. Kahapon nga ay pawang kami lang babae ang magkakakilala sa task dahil nakahiwalay ang boys. We spend time eating on our bed. Naka-isolate ang girls from boys and vice versa. It's not good. It screams not right. I don't accept this kind of sorting genders.

Maging pabalik dito sa Luvriana ay hiwa-hiwalay na kami sa kotse. Si Jenyi, sa driver niya sasabay. No more ride with Rougue. Mahigpit na rin ang security, pansin sa kada oras na paggamit ng intercom si Es.

Despite of that ay titigil pa rin kami sa furniture shop para sa schedule sa kung anong oras kami bya-byahe. Kailangan talaga ay hindi kami sabay-sabay makarating sa Williamerrit Hotel

Makarating sa condo, as usual, si Hzanny lang ang kasama ko. And this coming days, she's a little bit enlighten on what's happening. Matalino siya at open-minded, hindi na siya mahihirapang intindihan ang ganong bagay, sadyang nagulat lang. Idagdag na na-miss n'ya lang talaga ang kuya niya. Malapit na rin kasi daw ang birthday n'on, as what Hzanny told me.

While Jenyi, dumadaan siya sa counseling and also some mental support from medical team, as well as Rougue. Magkaibang counseling ang ina-attend-an nila. I don't know kung pinag-uusap ba sila ni Ms. Marita. I hope, everything will be settled bago dumating ang hint na inaabangan namin.

"Ang dami mong kasamang lalaki ah, buti napuntahan kita sa department mo. Ano 'yon, mga manliligaw mo?" pangaral ko kay Hzanny habang gumagawa ng assignment.

"Barkada. Tsaka matitino sila except kay Seph."

"O' sino 'yon?" tanong ko pa.

"Kaklase ko."

Siningkitan ko siya. "Hindi ka naman nagbebenta ng mga pagkain mo 'di ba?" tanong ko. Last time I visited on their department, I saw her na napapalibutan ng lalaki, they're walking in the corridor like royalties, what was funny is that puro pagkain ang hawak nila.

"Nagbebenta."

"At hindi mo man lang tinanggi? Bawal 'yon, nasa batas 'yon. Kailangan mong magbayad rin ng tax . Kapag hindi ay pagmumultahin ka. "

"E' di ibebenta ko ang Romulus White. Ita-tax at ibabayad sa multa. "

Napailing ako sa kanya at napakamot sa noo. "Ano bang ireregalo mo sa kuya mo? Ba't ka panay ipon ng pera? Hindi naman siguro bahay at lupa ang ireregalo mo 'no?"

Nanlaki ang mata niya sa akin at wala sa sariling naituro ako. "Ba't mo alam na para sa regalo ko 'yon gagastusin?"

Naglabas ako nang buntonghininga at niligpit ang gamit, "So, ano nga?" tanong ko. Inabangan ko ang sagot niya.

"Gitara."

Napa-wow ako. "I-process mo na lang sa Foxtrot."

"Hindi. Ayaw ko. Last month kasi, wala pa ako dito sa mission. Namasyal kami ni Kuya Vyz tapos kita kong may tinitingnan siyang gitara. Alam kong hindi niya 'yon bibilhin kasi hindi naman siya maalam mag-gitara pero tiningnan niya 'yon... kaya bibilhin ko."

Natulala ako sa kanya. Bahagya pang nalutang sa isip ko ang kaniyang sinabi. Kung hindi cute ang kapatid ko, baka nahambalos ko na 'to. "Sabihin mo nag-jo-joke ka lang," ani ko.

"Hindi, ate. Dahil ito ni Yaya, mahilig siya sa music tapos si Kuya Vyz---wala naman, tao lang. If hindi ibibigay ni Kuya kay Yaya, e 'di sa kaniya na lang. Pagtiyagaan niya. Alam kong ilang araw lang ay magaling na 'yong maggitara. He's awesome you know. "

"Sinasabi mo ba'ng may gusto 'yong kuya mo sa yaya mo? Akala ko ba ha,  ayaw sa love-love ng kapatid mo?"

"Ako si Hzanny, H-Z-A-N-N-Y, kapag pinag-love team ko, sure 'yon! Ninety-nine point nine percent sila ang magkakatuluyan. Super gwapita ni Yaya."

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon