Jenyi | 20: His place

382 33 0
                                        


His Place
Jenyi's POV



Ini-expect ko talaga na mamahaling sasakyang ang susundo sa amin. Isang van lang 'yon na magulo. 'Yong gamit ng driver ay nakakalat.

Ang bilis n'yang nagpaliwanag na  parang chumismis lang.

Bwishit din 'yong si Rougue eh, napuyat tuloy akong mag-empake ng gamit niya. Ako kasi ang mabilis nakapag-empake dahil sanay ako sa madaliang byahe. Ginagawa ko na 'yon para puntahan si Nanay sa probinsya. Buti na lang natawagan ko pala s'ya bago umalis. Tinanong ako kung bakit hindi raw ako umuwi ng sembreak, baka daw nag-asawa na ako. Binalita rin niya 'yong tungkol sa ate ko.

"Yes!" malakas na sigaw ni Hzanny.

Codes daw ang kailangang hanapin dito sa store. Ang sakit ng ulo ko dahil nakakapagod ang byahe at nahihilo ako sa init.

Siguro susundan ko na lang sina Geyl. Siya ang alas sa mga codes eh.

Nagkunwari na lang akong naghahanap ng codes. Napapansin ko rin si Rougue na parang malalim ang iniisip. Nabaliw na ata?

Kita ko sina Geyl na pumunta sa chocolate section. Medyo dumikit naman ako sa kung nasaan sila. Sinasadya lang nila ata na 'di  ako kausapin e.

Tiningnan  ko naman kung nasaan akong section. Nasa candies pala ako. Si Hzanny siguro ang dahilan kaya sila tumapat dito?

Umalis agad ako roon na puro candy lang. Pansin ko na gumalaw na si Rougue mula sa pwesto niya.

Si Standey ay nasa labas na parang nakatambay lang, kita ko siya mula rito dahil sa glass wall. Nakaupo siya sa tool bar habang nakatitig sa gawi ng mga sasakyang nagpapa-gas. Si Roman ay nakaalis na. Ang tatalino ng mga tao ngayon eh.  Hustisya sana.

Nilampasan naman ako ni Rougue at pumunta siya kung saan ako galing kanina. Mukhang nilayuan niya ang ilang costumer na pinag-uusapan siya. Shit.

Pumunta ako d'on pabalik ulit sa pwesto ko kanina para makalapit kay Rougue.

Gusto ko siyang kausapin at iyon ay isang problema dahil hindi ko alam kung paano.  Kahapon kasi . . .  bigla na lang silang tumakbo ni Hzanny at sumakay ng kotse, BMW 'yon!

Dapat pala nakipag-away muna ako kay Cena  n'on.

"Dito na lang tayo habambuhay?" bulong niya. Buti naman nagsalita siya kung hindi ay pagsisihan ko talaga ang paglalagay ng pito  Calvin Klein sa kaniyang bagahe. Yaman ano?

"Good luck na lang sa 'tin. Gagabihin tayo."

Nakalimutan ata namin ang rule na umaktong 'di pamilyar sa isa't isa. Well, wala namang tatalon na CA agents mula taas para paghiwalayain kami eh. Manood na lang sila.

Ilang minuto pa't wala pa rin kaming ideya. Si Hzanny at Geyl naman ay lumabas ng store at nag-abang ng sasakyan.

"Anong utak meron sila?" bulong ko.

"Utak na wala tayo," mahinang bulong ni Rougue na humahawak ng bote ng alak na para bang bibilhin 'yon.

"Dinamay mo pa ko."

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon