Jenyi | 29: Elevator

353 32 0
                                        


Elevator
Jenyi's POV


(content warning: harassment)



"Tama nga ang hula ni Geyl. Galit nga si Cena," bulong ko sa sarili.

Magkakalahating oras na kaming bumabyahe at mas nauna kaming umalis kaysa kay na Geyl.

Front seat dapat ako eh pero sinagawan ba naman ako na back seat daw.

"Mukha mo," aniya. Napansin  niya ata na halos babagsak na ang  mukha ko dahil sa inis.

Ba't alam ni Geyl na magagalit 'to? Wala naman akong ginawa.

"Anong problema, kuya—sa mukha ko?" mahinahon kung tugon pero may nilalaman na sarkastikong tono.

"Hindi kita kapatid at ang mukha mo—hindi ganyan ang mukha mo n'ong nakayakap sa'yo 'yong IE na 'yon. Na-hostage ka na't lahat, nakangiti pa rin.... Gusto mong mabaril?"

Napangiti ako nang maalala si IE. Crush ko nga pala 'yon... mula sa Junior Rank. Nag-usap kami at napag-alaman ko na second level na raw s'ya. May activity kaming ginawa kung saan ay hostage kami at  naka-handcuff. Kailangan namin itong i-lock pick upang makawala. Kailangan makaalpas nang walang tulong . . . kailangan ay mag-isa lang, mayroon din kasing by duo, mahirap ang solo kaya iyon ang tr-in-ain sa amin.  Mayroon pang tinuro kung paano makipag-deal sa holdaper at hostage taker. Medyo masaya ang training dahil may bagong  kaming kasing edad na nakasalamuha.

"Kuya, eh crush ko 'yon,"  saad ko na may maliit na boses.  Kita ko ang talim ng tingin niya. Maging ang namumulang tenga ay pansin ko sa rearview ng sasakyan.

"Stop. Hindi kita kapatid," aniya pa.

"Alam ko! Kasi driver kita. Manong driver, diretso lang po tayo. 'Wag n'yo pong takpan ang metro," pang-aasar ko. Nakita ko s'yang napapikit sa inis.

***


"Oh nasaan ang bayad mo?" tanong niya. Nasa tapat kami ng elevator ng condotel. Nakita na rin namin ang kotse nila Roman at Standey sa parking. Ibig-sabihin lang ay nauna sila at nahuli naman sina Geyl.

Gabi na at kailangan naming maghapunan. "Talagang pinanindigan mo?" tanong ko.

Sa wakas ay bumakas ang elevator. Pumasok ako. Nagtaka na lang ako ng hindi siya pumasok hanggang sa sumarado na ang pinto.

The shit? Hindi siya sumakay ng elevator! Nasa fifth floor ang unit namin. Naisip kong baka naghagdan siya o umalis kasi nga galit.
"Ba't ba ako nagpa-panic?" tanong ko sa sarili.

Nang makapunta sa unit ay naghanda na ako ng hapunan at mukhang sa unit ko sila kakain.

"Sa 'yo kakain?"

Muntik ko ng mabitawan ang  hawak na kawali nang biglang pumasok si Rougue sa unit ko. Hindi na kasi ako nagsara ng pinto para alam nilang sa akin ang dinner nila.

"Oo—saan ka nagpunta? " tanong ko.

Hindi siya sumabay sa elevator. Naisip ko lang talaga na baka may dinaanan o pinuntahan ng ilang minuto. P'wede rin na galit talaga s'ya at naghagdan na lang.

"Sa Training House . . . mga two days? Hindi mo ba ako nakita? Ikaw, kitang-kita ko, lumalandi."

Pinagsingkitan ko siya at binababa ang hawak. "Shit~" Nagpigil ako ng inis dahil parang naiwan pa sa lugar na 'yon ang utak niya.

Binaling ko na lang ang atensyon ko kina Standey at Roman na nasa tapat na ng pinto ng unit ko. They are wise to know na ako ang bahala sa dinner nila.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon