Sisters
Geyl's POVFriday, nag-impake agad ako dahil alam 'kong mamayang hapon rin lang ay bya-byahe kami papuntang Training House.
"Tapos na akong mag-impake," saad ni Hzanny.
Naligo na siya habang ako naman ay tinatapos ang almusal. Nakwekwestiyon ko pa rin ang pinto ni Rougue na nakabukas. Mas madalas 'yong bukas kaysa sa nakasara 'tsaka pansin ko talaga na hindi sila nagpapansinan ni Jenyi.
Talking about changes happening between the members of Seekers. Medyo nabawasan na rin special treatment ni Standey sa akin.
Babaero talaga siya.
Balita ko nga may girlfriend s'ya eh. Tapos si Jenyi, pinagdidiskitahan din 'tong si Standey para raw ma-realize ko na si Standey ang aking gusto at hindi si Roman.
Oh Holy! Roman is the best choice.
"Kuya Es, gusto mo ng candy--- chocolate?" tanong ni Hzanny sa driver. Sa byahe papuntang school, iyong sinabi ni Hzanny ang nakapagpabuhay ng dugo ko.
"Hoy! Kailan ka pa natutong mamigay!"
I think, I should add this thing na namimigay si Hzanny ng pagkain sa listahan ng mga pagbabago naming Seekers this past weeks.
"Ngayon lang. Ikaw ate, gusto mo?"
Napabuntonghininga muna ako at nilahad ang kamay para humingi. "Bente pesos 'yong chocolate tapos 'yong candy, limang piso. Imported kasi sabi ni Ate Jenyi."
Kusang napataas ang kilay ko. "Sa lunes, kay Jenyi ka na sumabay. Sa condo ka na rin niya tumulog. D'on ka na rin kumain. "
"Ha!" Nakita kong kinabahan siya. Tinalikuran ko na lang siya at hindi pinansin.
"Fifty percent discount. Take it or leave it," usal niya ulit pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Binelatan ko na lang siya at bumaba ng sasakyan dahil nasa Luvriana University na kami.
Nagtungo agad ako sa building ko. May mga kaibigan naman ako, it's either hindi naman sila mga bitch or kaya nagpapakabait lang dahil wala namang kapuna-puna sa akin.
Sina Sunny lang talaga kaaway ko dito. Hindi maitago ang attitude, nakakainis!
"Geyl, magpapasa ka ba ng past activities. Your papers? " tanong ng blockmate ko. Ibinigay ko sa kanila ang gawa ko.
"Gagawa tayo ng shortfilm 'di ba? May groupings 'yon. P'wede ng pag-usapan kung anong magaganap. Basta, mental awareness," sagot naman ni Pia nang may nagtanong sa kanya about sa project.
Unang klase pa lang ay nagulo na ang upuan para bumilog. Nagsimula nang magbigay ng suggestions at ang mga ambag nila like; sa camera, sa costume, sa make up, sa set design at kung sinong direktor. Napag-usapan na rin ang plot at walang writer para magsulat.
"Si Geyl, I recommend na si Geyl ang magsulat. I've already read her work, I like her words."
Napangiti ako sa kanila. They point out why they really chose me. Hindi na ako umangal. Gusto ko rin masunod.
They gave their ideas on me, I just noted it in my mind. Mayr'on kasing absent at may late na kailangang bigyan ng task.
"Sorry, I'm late. Did I miss something?" tanong ng lalaki.
Pinaliwanag sa kanya kung anong dapat gagawin. "P'wede akong jowa ng bidang babae, g'wapo naman ako, 'di ba?" Nag-pogi sign siya, dahil d'on ay nakita ko ang relos niya. Maging gusot na polo sa loob ng blazer ay pinansin ko na rin.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...