Day One
Maria Geyl's Point of ViewNararamdaman ko ang kamay na tumatama sa aking mukha. Ganoon rin ang ilang presensya na katabi ko. Tinanong ko ang aking sarili, sinong kasama ko sa kama?
Dali-dali akong bumangon at pilit minulat ang inaantok na mata.
"Huh? O' Right! I'm with Seekers," bulong ko.
That's our day one in Training House. Pagkahiga palang namin kagabihan sa kama ay parang hinila ang aming lakas at agad na nakatulog. Kasama ko si Hzanny at Jenyi sa isang kama lang.
Ang prinoblema ko ay ang pagligo at pagkain. Tatlo kami at iisang banyo lamang ang mayroon. Sa pagkain, hindi ko alam kung sinong magluluto.
Tumingin ako sa orasan, ala-sais ng umaga. Tulog pa si Jenyi, nakadapa pa ito sa kama at kalmado ang paghinga.
Si Hzanny naman ay naka-upo sa gilid ng kama. "Hey!" inaantok na usal ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Bumaba ako ng kama at tinitigan siya. Kita ko ang mapungay n'yang mata at panis na laway sa labi. Nakatulala lang 'to. Hinihigit pa siguro ng kama ang kamalayan.
"Jenyi, wake up. Sinong unang maliligo? Sinong magluluto ng pagkain? Kailangan natin magmadali. Training 'to hindi bakasyon!" pagbubunganga ko.
Dahil sa palakat ng boses ko ay naalimpungatan si Jenyi.
"Nagluto na ako," usal ni Jenyi.
"Oh?" Nagtaka ako pero hindi muna nagtanong, she woke up early, I guessed. "That's great!" compliment ko. Mas ginanahan tuloy akong simulan ang araw.
Bumaba ako para mag almusal nanduon nga ang mga pagkain na nilantakan na ng tatlong lalaki.
Si Roman ay bagong ligo, that's my man! Si Standey naman ay nagkakape at si Rougue ay nagi-istretching sa sala.
"Thanks for preparing food," saad ni Roman. Ngumiti naman ako. Ramdam ko rin ang titig ni Standey.
"I didn't. Jenyi did." Kumunot ang noo ni Roman. There was problem with that. We started to assess.
"Kaya pala ang panget ng lasa," pabirong usal ni Rougue.
"Ha-ha-ha." Tumingin naman ako sa taas ng hagdan at nanduon si Jenyi pababa habang hinihigit si Hzanny.
"Too oily, not healthy," saad pa ni Rougue.
"You have no choice but to eat fried food, John Cena."
Everyone laughed. Rougue has a jaw like that famous wrestler and also they have the same vibes.
"You arse-"
"Jenyi, did you get one book about tourism?" Roman butted.
"No. Nagluto ako ng alas-kwarto ng madaling araw. At shi---, grabe lang ha, four in the morning? Para sa akin... its not a good time to read lalo na't kagigising lang."
Nakahawak pa rin siya kay Hzanny na inaantok at walang gana kung maglakad. Pansin kong nakapantulog pa kaming dalawa habang ang ilan ay naka-casual na.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...