A day before
Jenyi's POVKailangan kong umaktong high na high kaya't kahit antok ay dapat lamang na walang tulugan.
I wanted to cry because that was too much.
"Thank you lord!" sigaw ko na lang nang umulan. Dali-dali akong tumakbo palabas at tumawa. Sa kabila nang pagsasayaw sa ilalim ng ulan ay doon ko na napiling umiyak.
It was the safest way.
"Ang saki-sakit! Bakit nila ginagawa 'to? mahina ko na lamang saad.
Para lang akong tangang naglalaro sa ulan habang palihim na umiiyak. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at dinama ang pagbagsak ng ulan. May mainit na tubig akong nararamdaman at alam kong iyon ay ang mga mumunting luha ko.
"Deserve kong sumaya," bulong ko at tumungo na lang. Ang tanging bagay na gusto kong gawin ay umiyak nang umiyak. Hanggang sa mawala na ang sakit na nararamdaman ko.
Tumakbo pa ako para kunwaring nalulong na talaga sa impluwensya ng droga. Bwisit na technology, pahirap sa may tinatago. Lahat kuha ng camera. "Ang bigat, wala man lang . . . akong kasama umiyak," usal ko at napaluhod na lang sa lupa.
Matapos ang ilang oras na pag-iyak sa ulan ay pumasok akong basang-basa. Pumuntang kwarto at wala nang naalala.
Nagising ako sa kama na bihis at tuyo na. Mabuti na lang at hindi ako nilagnat o ano. "Thanks Mare," usal ko kay Geyl.
***
"I can only talk to my patient. Jenyi, on white room, please."
"Yes, mommy."
Agad ko siyang sinundan. Nang makarating sa white room ay agad niyang pinindot muli ang chip.
"Sa sobrang galing mong umarte, nahalata ng kasama mong nakadroga ka. Pinag-uusapan ka nila sa boys room. They have great assumptions! You need to tell them what we planned. Tell them that you are not on drugs and they should act normal sa kabila ng weird actions mo. They should act unbothered. Jenyi, ako ang mawawalan kapag na bulilyaso tayo."
"Opo," mahina kong saad. Nasa boses ko ang pagod at prustrasyon. Kahit nga sa pagkain ay kailangan kong iwasan dahil kapag daw naka-droga ay hindi masyadong nagugutom. I need to be addicted in drugs.
"Ito ang device." Inabot niya sa akin ang chip device. Agad ko naman 'yon tinago sa laylayan ng damit ko.
Matapos iyon ay nag-iba na ang tono ni Mrs. Marita. "So, we will talk about your health. There are things that may seems off and kailangan ko 'yong i-explain sa kasamahan mo. Go tell them, I will explain it to them. They need little orientation. "
Katulad nga ng utos ni Doctora Marita ay ine-explain ko sa lahat ang plano. Kailangan ko pang kumilos na parang tanga para lang makausap sila. Na-mo-monitor pa rin kami dahil boses ko lang ang na-di-distort.
Pagkatapos noon ay sila namang mga Seekers ang kinausap ni Doctora sa Foxtrot habang ako ay nakatulala lang at syempre tumatawa mag-isa. Pinanood kasi sa akin ni Dra 'yong mga lulong sa droga (Acresio). Tatlong oras lang apekto nito kay tatlong beses ako kuno uminom sa isang araw.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...