Geyl | 58: A day before (1/2)

266 21 0
                                        

A day before
Geyl's POV


Nagising ako dahil sa sobrang lamig ng panahon. Agad naman akong nagsuot ng jacket. Malamig na sa gitna ng gubat sinamahan pa ng pag-ulan kagabi.

Kung tama ang body clock ko ay alas-kwatro iyon nang madaling araw. Ganoong oras kung may brutal na pambubulabog sa pagtulog namin tapos sasabihin nilang Wake Up Call ngunit himala na walang ganoon na naganap.

Nag-unat-unat pa ako at nilibot ang paningin sa katabing kama. Napaisip ako dahil wala si Jenyi sa kama niya. Naisip ko na baka nasa kusina upang maghanda ng agahan.

Nag-ayos lang ako ng buhok ko at naglakad na papuntang pintuan pero nakita ko ang nakahandusay sa sahig. "Oh my god!" sigaw ko nang makita sa sahig si Jenyi. Ang sahig ay basa dahil sa kanya. Basang-basa rin ang suot nitong malaking jacket maging ang buhok niya.

Agad ko siyang binangon. O' right, I was starting to get wet too. Hindi ko na lang ininda ang pagkabasa at tiningnan na lamang kung may lagnat ba siya. Sa awa ng maykapal ay wala naman.

Inupo ko siya, hinubadan at tinuyo. Sinuotan ko din siya nang komportableng damit. She was sleepy, and seems like she was drunk. Para akong nag-aalaga ng lasing.

O' gee! What did she do?

Nagpaulan ba ito? Kagabi?

Hiniga ko na lamang siya sa kama. Dahil madilim pa at hindi biro ang lamig ay natulog na rin muna ako saglit. Nang magising ay muling ch-in-eck si Jenyi.

"Thanks mare." Kagigising niya lang rin. 

"Ano namang trip mo?" tanong ko at ch-in-eck kung lagnat pa rin ba siya.

"Wala naman mare, gusto ko lang maglabas," usal niya sa boses na pawang inaantok pa.

"Ano?"

Umiling siya sa akin at tumayo na mula sa pagkakahiga. Magluluto raw ng agahan. Niligpit ko aking hinigaan at ginising na rin si Hzanny para tulungan ito sa pagluluto sa baba

Sabay sana kami ni Hzanny na bumaba ngunit nasa gitna pa lang kami ng hagdan ay rinig na rinig ko na ang halakhak ni Jenyi. "Dali na kumpards! Hindi naman ako mamatay ng libro! Masyado ka lang OA."

Sila lang dalawa ang nasa kusina.

Mula pwesto ko ay kita ko si Rougue na wala lamang rin reaksyon. Pinauna ko si Hzanny para kausapin si Rougue. Nang kami na lang dalawa ay pinasunod ko siya sa hallway kung saan nagtatagpo ang dalawang kwarto. Mariin ko siyang tinitigan. "Anong pinag-usapan ninyo? Bakit ganyan 'yan?"

Naglabas siya nang buntonghininga. Umiling ito at mukhang nadismaya sa tanong ko. Hindi ko na nagawang pigilan ito nang umalis na lang patungong baba at iniwan akong nanggagalaiti.

O' right. He has nothing to explain for. The two meter rule that was given to them is the answer. They are not okay, they in worst state. The thing between them is not what we are used to.

Habang kumakain ay nakatitig lang ako kay Jenyi. Apat kaming nasa lamesa. Kasama ko sina Standey, Hzanny, at Jenyi. Samantalang nasa sofa sina Rougue dahil sa 2 meter rule nila. Sinamahan lang siya ng napakabait kong ex-crush.

Sa pago-obserba ko kay Jenyi, napansin kong tatlong subo lang ang ginawa niyang pagkain at pagkatapos n'on ay hindi na nasundan pa.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Saan ba 'te? Hindi ko alam, wala akong alam. Chismis ba 'te?"

Oh? She was different. She became so jolly and impulsive. Everyone noticed it. Makahulugan namang napatingin sa akin sina Hzanny at Standey.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon