Uno's
Jenyi's POV
"Rougue was drugged that time, p'ede ba'ng alisin na lang 'tong bracelet ko?" tanong ko kay Ms. Marita. Nasa Foxtrot kami sa White room. Despite the serenity of that pure white that sorrounded us, humamak pa talaga akong magpakalat ng karupukan.
We were on one-on-one session. And shit lang dahil I am okay naman na. Hindi naman ako depressed. Command daw na kausapin ako kung anong nararamdaman ako or may panic attacks daw ba. But I'm perfectly fine. Well, at first day parang ayaw kong maging tao. Sobrang sakit sa puso pero ngayon, nakakatulong talaga si Ms. Marita naiintindihan ko na ang sarili ko at ang mga nararamdaman ko.
"That's a protection order. Kailangan mong suotin 'yan because you are sexually harmed by him."
"Wala na bang ibang paraan? Ayaw ko nito, hindi ko siya malapitan." I'm used to him and that's the fact that I can't be undenial with.
"Kasuhan mo s'ya."
Napatayo ako sa narinig. Nagulat siya maging standby agent at nurses ay naalerto dahil sa akto kong 'yon.
"Bakit ko siya kakasuhan?" tanong ko. Halos lumaki pa ang bukas ng aking ilong.
"Umupo ka iha. Ang batas ay madali lang intindihin, kapag nagkasala ka ay may karampatang parusa ka. Rougue did a mistake and assaulted you. Hindi mo siya kakasuhan kaya't Protection Order ang ibinigay namin. He was drugged at kung makukulong siya--- kung kakasuhan mo siya, mababa ang sintensya niya."
Mula sa sinabing 'yon ni Ms. Marita ay mas pinili ko nang suotin ang bracelet pero may naisip pa akong ibang paraan.
Nakatayo ako sa tapat ng condo unit ni Uno. Nakabalik na kami sa Luvriana City at marami ngang nagbago sa patakaran. I never talk to Rougue kahit gustong-gusto ko. Hiwalay ang boys and girls pero ako na ata ang dakilang taga-suway ng rules
Paano ko ba papakiusapan 'tong si Uno na gawan ng papers ang bracelet ko? Kapag nagsulat siya about sa bracelet ko, may tiyansang na alisin ito sa amin ni Rougue. Alam kong hindi madali dahil ide-defend pa n'ya. Baka maabala siya. Sabi pa naman ni mama noon na huwag sayangin ang oras ng tao.
Shit, paano ko siya papakiusapan?
Like, "W'a'sup Uno, benta ko si Cherry sa'yo, basta tanggalin mo 'tong bracelet ko." Medyo mali lang dahil dapat na sinabi ko ay gawan niya ako ng papers. Tutulong naman ako kaya dapat 'wag siyang mangambang mauubos ang oras niya. "Uno, gusto mo bang magkapapel sa buhay ni Cherry? Gawan mo muna ako ng papers." It was good pero mukhang ginagamit ko ang kaibigan ko. 'Tsaka bawal daw kami mag-usap sa condo. Pero, kilala ko na si Roman, pinakilala na siya ni Cherry, technically magkakilala na kami. At saka ano namang mangyayari kung lalabag ako sa batas nila? "Hi, Rainer, ako 'to si Jenyi, mahal na mahal nang jowa mo. P'wede mo ba akong tulungan?" Hindi ko sure kung p'wede na 'yon. Hindi naman mukhang kahina-hinala. Siguradong hindi kami mabubulilyaso. 'Tsaka lagi kaming magkasama ni Roman noong isang linggo. Ibig sabihin mas nakakapagtaka kung bigla kaming hindi magpansinan. "Hawak ko ang jowa mo—"
Natigilan ako nang biglang may pumindot ng doorbell ni Uno. Pinanlakihan ko ng mata si Hzanny na siyang pumindot. Sa gulat ko ay hindi man lang ako nakaimik sa kanya kaya't nakaalis siya sa harap ko na parang walang nangyaring. Dumiretso siya sa Romulus white na katapatan lang ng unit ni Uno.
Naglabas ako ng buntonghininga at unti-unting hinarap ang pinto. Nararamdaman ko na ang presensya ni Roman na nasa likod ko.
"What?" tanong ni Roman este Uno. Bakit binuksan niya agad ng pinto na kinalembang ni Hzanny? Hindi ba siya busy'ng tao?

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...