trigger warning: might contains inappropriate ideas and actions that can set off ones mood.
Explain
Jenyi's POVSa unit ako ni Rougue nag-almusal. Kaya nga siguro pagdating ko sa school ay masaya ang araw ko. Imagine may boyfriend na ako?
Shit 'di ba?
"May bagong nilalandi si Jay," sambulat ni Cherry. Kakasimula lang ng break-time namin at nasa bench muli kami dahil sa aliwalas ng paligid at sariwang hangin. Madalas na rin talaga kami tumambay doon. " 'Yong jowa pa talaga ni Rougue."
Napantig ang tenga ko at nag-angat ng tingin sa kanya, "Sino?" takang tanong ko. I was threatened.
" 'Di mo afford memo plus gold? Si Vernice, duh!"
Napalunok ako. Kinagabihan lang ay naging official na kami Rougue at walang Vernice nang gabing iyon. Walang Vernice sa buhay ni Rougue, maari naman sigurong kay Jay na lang ang babaeng iyon? Why not? Jay is consistent and competent man. Hindi ko man mawari kung bakit sila nagtatalo ni Rougue.
Naisip ko tuloy na... paano kung kaya pala halos maging halimaw si Rougue kapag nakikita si Jay ay dahil sinusubukan nitong sulutin si Vernice. Iyon talaga ang pumasok sa isip pero agad ko rin pinabulaanan.
"Chismis lang 'yon," wika ko kahit may bara sa lalamunan ko.
Like shit kami na ni Rougue kinagabihan lang.
"Ewan, baka nga. Hindi naman din sweet 'yong Rougue eh. Hindi nga sila naghahawak kamay ni Vernice."
Idinaan ko na lang sa ngiti. Pampalubag-loob ang sinabi ni Cherry. Whatever it is, I will ask Rougue and settled everything. As if naman na fvckboy siya eh umiiyak nga iyon kapag hinahalikan.
Nakunot ang noo ko sa sumulpot sa puwesto namin.
"Jay! Buti nand'yan ka na may meeting tayong mga actor at actres sa studio," wika ni Cherry.
"Maya na. Matagal pa naman magsimula 'yon," inis na wika ni Jay.
Bakas na bakas pa rin ang suntok ni Rougue sa mukha niya pero parang wala akong makuhang awa. Talagang nagsimula na rin akong kuwestiyonin ang sariling konsensya.
"Jenyi," ika niya.
Nginitian ko siya. Gusto ko sana mag-sorry sa bugbog pero si Rougue naman ang gumawa n'on at hindi ako. Kung ano mang away nila ay wala na ako d'on.
Napatungo na lang ako para tingnan nang maayos ang gawain. Marami akong school activities na hinahabol dahil ilang beses na akong naka-miss ng klase. Sa kabila ng pagpo-focus ay nabulabog ako ng ingay nang pag-uusap nila.
"Bar tayo? May alam akong bar---it's cool!"
"Ay join!" sigaw ni Cherry. "Sama ka na Jenyi, ako na ang bahala sa susuotin mo."
Hindi ko sila sinagot at nakatingin lang sa notes ko.
"Vernice!" sigaw ni Jay mula sa malayo. Napa-angat ako ng tingin, nakita ko si Vernice na papalapit at kasama nito si Rougue. Mataas dapat ang tensyon sa pagitan nila Jay at Rougue dahil muntikan na silang magpatayan pero parang normal na lang ang kahangalan sa dalawa. "Boyfriend mo?" tanong ni Jay at tinuro--- or I say dinuro si Rougue.
Lakas makaduro parang hindi lumawa ng dugo nang mabugbog ah?
Ako ang sumagot dahil ako naman ang girlfriend. "Actually---" Naputol ang pagsasalita ko dahil sa ginawa ni Rougue.
Kinuha niya ang kamay ni Vernice, pinag-intertwined ito, at hinalikan.
"Yes, I am."
Pagkatapos iyon ay umalis na silang mga shit. Napangiti ako nang malaki, napatawa pa ako nang mahina, at umiling-iling. Kinagat ko na lang ang labi para pigilan ang sariling umiyak.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...