Jenyi | 39: Shutdowns

299 27 0
                                    

Shutdowns
Jenyi's POV



Puyat kami dahil sa pag-alam namin kung anong ibig sabihin ng mascara na 'yon.

Ilang oras lang ang tulog niya habang ako ay wala... kahit ilang minuto. Dahil siguro sa kabang-ag-an ay hindi ko naintindihan kung bakit kay Rougue ako sasakay. Dapat kasi kay na Geyl muna tapos baba kami sa furniture shop at kay Rougue naman ako sasabay. Parang nabaliktad.

"Puyat ka? Sorry," asik ko sa kanya nasa halos kalahating oras na kaming byahe papuntang furniture shop.

"Okay lang, ikaw rin naman." Tinawanan pa niya ako.

"Actually, hindi ako tumulog. Hindi naman ako puyat or inaantok. Weird," wika ko habang nagkikibit-balikat.

"Ano ka naka-drugs?"

Napatigil ako sa sinabi niya dahil nga sa naalala ko na ang lahat-lahat. Ang katunayan na nagsisinungaling ako sa lahat at mabigat iyon para sa akin. May nalalaman akong, maaring makasira ng lahat. Mula sa mga drugs hanggang EMG papunta sa organisasyon. Lahat ng iyon ay pinipilit kong itago at ang bigat sa balikat.

"Hey," mahinahong tawag niya sa akin.

Napabalikwas ako at mabilis na nagsabi ng pang-aasar na aminadong hindi ko pinag-isipan, "Ikaw ang naka-drugs sa 'tin. 'Di ba? 'Di ba? Tinanong kita noon, um-oo ka!"

Nasa shotgun seat ako at malayang nakakalapit sa kanya. Sa ganoon distansya ko rin pala makikita ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha mula sa may ngisi ay napunta sa malungkot.

Kita kong napaisip rin siya at natahimik. Mukhang napikon ko kaya kinuha ko ang kamay niya at hinalikan. Katulad iyon ng ginawa niya sa Foxtrot, "Sorry."

"It's okay. Totoo naman eh pero matagal na 'yon. Matagal na matagal na. Simula n'ong may kumupkop sa akin ay tumigil na ako. Pero... kasi 'di maitatangging may utang na loob pa rin ako sa mga lalaki 'yon . . . binuhay nila ako nang mamatay ang mga magulang ko. Ang dami ko nga lang kabarumbaduhang natutunan bago mapunta sa mom ko."

Napatango ako. Now it make sense kung bakit hindi niya mautusang bumili ng pagkain ang mga lalaki na nasa bahay n'ong muntikan na akong maharas.

"I want to know more about it, if you don't mind," I said.

"I mind it. Hindi ako katulad mo na naikwe-kwento ang nakaraan. Paano mo nagagawa 'yon? Paano mo nagagawang i-kwento kahit masakit?"

"I just accept it. I-kwento para mawala ang bigat dito..." Tinuro ko ang dibdib niya.

"Mahirap," usal niya.

"Mahirap talaga lalo na kapag masaklap. At hindi rin natin alam kung mapapagkatiwalaan ba 'yong ating mga pinagsasabihan. Iyong . . . pakiramdam na naghabilin ka ng bagay tapos itatakbo palayo sa 'yo. Hindi mo alam balang araw gagamitn pala 'yon laban sa'yo." Nakatulalang saad ko.

"Nangyari na 'yon sa'yo?"

"Many times, I'm used to it. I learned from it. I'm done with that."

Tumango-tango na siya at biglang tumawa. "'Yon ang pinakaseryosong pag-uusap natin."

Natawa na rin lang ako. "Pigilan mo ako baka mag-madre ako. "

"Hindi kita pipigilan, hindi ka tanggap sa kumbento."

Nginiwian ko siya. Wala akong pang-aasar na naisip kaya napuno kami ng katahimikan but I'm happy that the silence was not filled with awkwardness.

Nagsalita na lamang siya nang malapit na kami bumaba sa furniture shop. "I have a deal with you."

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon