Acting
Jenyi's POVNagising ako sa clinic. Unang bumungad sa akin ay ang liwanag ng paligid. Unang beses kong matulog sa Foxtrot Clinic, 'yon ang una kong natanto bago ilibot ang paningin. Nagtaka ako nang makita si Rougue, tulog ito sa pwestong nakaupo sa parehas na upuan na pinaglagyan ng kahon ng kristal.
Para siyang security guard na nakatulog sa upuan habang nasa duty.
Napaaray na lang ako ng tanghalin ko ang aking dextrose.
Masakit pala 'yon.
Dahil siguro malakas ang pakiramdam ng nag-iisa naming UG fighter ay agad siyang nagising.
Hindi siya umimik bagkus ay nakatingin lang sa akin. Shit. Masyado pa'ng maaga para makipagbangayan sa kanya. 'Pag naman kasi s'ya talaga ang kaaway ko parang gagawin ko ang lahat matalo ko lang siya. At speaking of talo, hindi ko pa alam kung sino na nanalo sa gun shooting fight.
"Asmaw ka! Hindi ko na naririnig ang huni ng pipit . . . hinahahabol mo pa rin ako!" Napagsigawan ko agad siya dahil naalala ko ang nangyari. 'Yong huni ng pipit . . . ibig sabihin lang n'on ay lumabag kami sa binigay na radius.
Ngumisi na lang siya at iniwan ako r'on.
Shit? Naalimpungatan lang ata 'yon.
Dahil mag-isa lang ako sa Foxtrot---Yes, pinangalanan namin Foxtrot ang secret room--- sinundan ko si Rougue pataas.
Hindi ko na alam kung anong trip n'ya pero nanghina ako nang mapagtanto na kailangan ko pang magluto.
"Bwisit, shit!" Sa pagkatulala ko ay tumalsik sa akin ang tubig ng hinuhugasan kong kutsara. Inaalala ko pa rin kasi ang nangyari sa Foxtrot.
"Saan natulog si Rougue?" tanong agad ni Geyl na nakasuot pa ng pantulog.
"Hindi ko alam."
Malay ko ba baka tumambay lang si Rougue d'on.
"Si Rougue kasi ang nagbubukas ng bintana sa boys room para tumulala. Sarado 'yon, ngayon. "
"Tanungin mo si Rougue nasa labas lang siya," aniko.
Hindi naman naingli si Geyl sa sinabi ko at tinulungan lang ako sa aking ginagawa. Pansin ko ngang mas marami siyang kinilos kaysa sa akin.
Mabilis kaming natapos sa paghahanda ng agahan.
"Jenyi, sorry. Hindi kita nasamahan sa clinic. Ayaw kasi ni Hzanny. Ayaw ka raw n'yang agawan ng kama sa clinic . . . kaya ayon, sinamahan ko na lang siya sa kwarto natin," aniya. Kita ko ang sensiridad sa mata niya. Wala akong imik at tumango-tango na lang. As if big deal 'yon.
"I feel safe at Foxtrot naman eh---" natigil ako sa paglapag ng pagkain sa mesa dahil sa masiglang boses ni Hzanny.
"Ate!" sigaw ni Hzanny at naglapag ng kendi. Ngumiti na lang ako at kinuha 'yong 'kiss and hug' niya. Maaga siyang nagising kahit madaling araw palang. Tinanong namin s'ya kung bakit at ang sagot n'ya lang ay excited daw s'ya. Hindi na pinaliwanag sa'min nang puspusan.
"Umalis ba si kuya Rougue? Hindi ko naamoy ang nanghahamong niyang pabango sa kwarto nila. Araw-araw kong na aamoy ang pinagsanib na pabango nila, wala 'yong kay Kuya Rougue."
"Roman uses Bxnch na pabango, while Standey uses Aficxnado. Hindi ko alam kung ano ang kay Rougue, may matapang na amoy iyon na ibig-sabihin ay marami siyang maglagay. Baka naubos na niya? " hula ni Geyl. Tumungo siya sa pinto para silipin si Rougue na nag-che-check ng mga gamit na pang-training sa labas.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...