Geyl | 21: Luvriana

376 36 0
                                        



Luvriana
Geyl's POV




"Gabing-gabi na ang landi-landi pa."

"Ate mo 'ko Hzanny!" saway ko.

Kakabigay ko lang kay Roman ng nilutong kong ulam. Ang mga ingredients na ginamit ko ay mula  mismo sa bagong-bago at grandiosong condo namin. It's a condotel. We are in one building. Anim na condo sa floor na 'to , left and right, tig-tatlo. Una ang condo namin, malapit ito sa elevator at hagdan na only exclusive for us.

Unang bungad sa condo unit  ay sala.  Dirty white ang kulay nito at sa kabilang parte naman  n'on ay malaking kusina. Parang nahahati sa tatlo ang kabuoan ng condo. Sala, kusina at malaking kwarto na may pa-balcony. Syempre may isang malaki at komportableng banyo.

Mamahalin 'tong condo--- ipinagawa talaga ata 'to samin. Naisip ko 'yon nang masilip ko ang condo nina Roman at Standey na may tig-iisang  kama lang taliwas sa  condo namin nina Hzanny na made for two talaga.

"Sayang wala si Jenyi at Rougue,"  asik ko.

Tiningnan ko na lang ang calderetang niluto ko na para sana sa lahat.

Noong kakapasok pa lang namin dito sa condo ay isang sulat ang bumungad sa aming dalawa.

Seeker Number Four and Seeker Number Six. Congratulations! You are finaly here. Take a rest. Tomorrow will be your first day at Luvriana University. There are uniform on the closet. You will use it and also the other prepared things for you.

There are six condo units. You are in 001 condotel. Within that six condotel, you can act normally to other Seekers . . . and act civil outside. Create your passcode but make it predictable for other Seekers."

Iyon ang nakasulat.  Hzanny already tried her uniform and its suits in. Private school kami...  Oh so prestigious!

"Malalaki na sila, kaya na nila ang sarili nila," tugon ni Hzanny sa nabanggit kong wala pa sina Jenyi at Rougue.

'Yong dalawa kasing 'yon . . . .Medyo mahina sa codes, halos isumpa eh. I'm  little bit worry. I have no clue on what's happening. I can't presume anything about them right now.

Napatayo na lang ako mula sa sofa nang matanaw sa pinto ang mga Califan's Agent on their complete uniform. They were wearing heavy clothing and its all black. They are cool! Alpha Seniors.

Bitbit nila si Rougue at kasunod naman noon ay si Jenyi. Kapwa sila nakasuot ng puti . . . .Kapwa silang walang malay.

What was happening?

Nilagay nila si Rougue sa condo katapat ng sa amin. Samantalang ang namumutlang si Jenyi ay sa katabing condo ko at katapat  iyon ng kay Standey. I can be happy na magkatabi lang ang balcony namin.

"What happened?"  tanong ko at pilit inuunawa ang nagyayari. I already think they are okay, na walang ikakabahala. I want to bet on it. Less than 24 hours palang nawala ang dalawa. . . wala naman sigurong nangyaring hindi maganda.

Hindi nila ako sinagot.  Kaya't nang umalis ang mga Alpha Seniors ay nagtungo ako sa hallway.

"Check mo si Rougue. Pupuntahan ko si Jenyi."

Agad ko namang pinuntahan ang pinto ni Jenyi at 'di na ako nagtaka na wala pa itong passcode. Bawat pinto ay may passcode na kami mismo ang dapat na magdesisyon.

Pumasok ako at nakita ko si Jenyi na maputla at walang malay. Hinawakan ko ang kamay niya at naramdamang malamig siya. 

Anong nangyari? The paleness? The white clothes? Lumabas ako at nakasalubong ko si Hzanny.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon