Shoot!
Geyl's POVThe game started with nervous on our team. Kagrupo ko si Rougue at Hzanny. Mas sanay lang naman kasi akong kasama sina Standey at Roman.
We planned nothing. Sinabi lang ni Rougue kung paano at saan magtatago. Ako naman itong nagpaalala na kung si Jenyi ang makaharap niya ay siguraduhin lang nilang buhay pa silang makabalik sa bahay.
Katulad ng nasa rules ay nauna ang Team A sa gubat. Tanging sariwang hangin lamang ang nagpagaan ng atmosphere sa laban.
Pagkatapos nang ilang minuto ay sumunod na kami, naghiwa-hiwalay at nagtago. Sa tunay, p'wede kaming magtago na lang pero may nilagay na device sa rifle namin at tutunog ito kung hindi kami babaril. Oh, syempre kapag tumunog 'yon ay malalaman ng kalaban kung nasaan kami. Wala talagang kawala . . . kailangan lumaban at magpaputok.
Wala pang limang minuto pagkapasok sa gubat ay nakarinig na ako ng putukan. Napayuko na lang ako. Malayo ang distansya sa akin ni Hzanny. Nakikita ko lang parte niya ay ang ulo niya. Alam kong siya 'yon batay sa messy bangs niya.
Nakita ko siyang gumalaw at pumunta sa pinangyarihan ng tunog.
Susundan ko dapat siya, napatigil lang ng mayroong paint na pumutok sa direksyon ko. Agad lang akong nagtago sa isang puno.
Nilabas ko ang nguso ng aking baril sa gilid ng puno at pinutok ko sa kalabang hindi nakikita. Matapos ng limang putok ay gumapang ako palayo sa pwestong iyon.
May damuhan sa malapit at sinimulan kong gapangin ang direksyon na iyon nang walang ginagawang ingay upang walang makapansin.
Katulad ng inaasahan ay may lumapit sa dati kong pwesto. Nakatago siya sa isang punong malapit at inihahanda ang baril kung sakaling may lumabas doon. Ang taong tinutukoy ko ay si Roman na humahangos pa. P'wedeng-puwede ko siyang barilin pero may bumaril na sa kanya mula sa malayo, batay sa pinanggalingan ay mula ito sa direksyon ni Hzanny.
Napatanong na lang ako sa sarili ko kung nasaan ang iba.
Nang umalis si Roman sa pwesto niya ay ako naman din ay naghanap ng ibang kalaban.
Nakayuko akong tumakbo, ingat na ingat na matamaan ng paint bullet ngunit nadapa ako sa taong nasa lupa... si Jenyi!
Oh! Sobra akong kinabahan dahil ang pwesto niya ay parang walang buhay. Aaluhin ko sana s'ya ngunit gumalaw siya at tinutukan ako ng baril.
Natapos ang buhay ko sa itim na tinta sa puting T-shirt ko. May kaonting sakit pa ang tamang 'yon.
"You are nice," sinabi kong komplemento sa kanya.
"May kaibigan akong hari ng acting class." Kumindat pa s'ya sa akin.
Dahil natapos na ang buhay ko ay bumalik na ako sa kung nasaan ang Training House.
Kapansin-pansin ang disenyo ng labas bahay namin. Para itong hindi tinitirhan ng kahit na sinong may buhay.
Pagkarating ko r'on ay nakita ko si Bravo Senior Demetrio na pinapanood ang nangyayari sa isang hologram na lumalabas sa tablet niya.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...