Surprise
Geyl's POV"Si Hzanny?" tanong ni Standey.
"Nagpapaturo kay Roman ng assignments, why?"
Ilang araw na kaming buhay estudyante. Parang kahapon lang ay baril pa ang hawak namin tapos ngayon ay ballpen at papel na.
Nakasanayan na namin na tuwing dinner ay nasa iisang condo lang kami.
Hindi ako sinagot ni Standey sa kung bakit niya hinahanap si Hzanny---sa halip ay tumungo itong kusina para ilapag ang pinagkainan.
Nalingat ang pansin ko sa boses ni Rougue "Bawal ba akong maging teacher? Ang sakit mong magsalita ah!" sigaw ni Rougue.
Nasasanay na akong lagi silang nag-aaway ni Jenyi.
"Nagulat lang naman ako, ba't mo kasi tinulak?" asik ni Jenyi.
Ilang araw na rin silang nagbabangayan at dahil busy ako sa pagbabasa ng readings sa Experimental Psychology ay ngayon ko lang sila matatanong. Ngayon lang ako nag-abalang makisali sa away nila.
"Anong pinagtatalunan?" tanong ko na para ba ako ang pinakamatanda sa lahat.
"Ewan ko d'yan kay Cena. Bigla na lamang kasing tinulak 'yong babae n'ya noong isang araw. Sinisi pa ako," wika niya at napa-crossed arms. Lumilitaw na rin ang masungit niyang features.
"Sino namang matinong babae ang magmumura nang malutong sa kalagitnaan ng araw?" tanong ni Rougue
Walang akong makuhang ideya sa usapan nila. Naagaw na lang ng pansin ko si Standey na mukhang may hinahanap sa kusina, sa bandang counter top na lagayan ng spices.
Naiiling na lang ako at tinuon ang pansin ko kay Jenyi na tumaas na naman ang boses. "Nagulat nga ako na Education ang course mo kaya ako sumigaw. Ang tanong . . . bakit mo tinulak ang babae?!"
"Akala ko kasi---"
"Hey, huwag!"
Naputol ang sinasabi ni Rougue nang sumigaw ako para pigilan si Standey. Nagbalik kasing muli ang tingin ko sa kanya dahil sa wakas, sa ilang minutong pagtingin-tingin niya sa counter top ay may dinampot na ito.
"Iodize salt 'yan!" usal ko pa kay Standey, titikman kasi niya ang pulvurized na asin. Mukha tuloy asukal.
Napatingin d'on ang dalawang nagtatalo.
"Ang likot mo sa kusina ah. Mag-aasawa?" tanong ni Rougue.
"Ikaw nga, ang likot mo sa kama. Manganganak?" banat pabalik ni Standey.
Humagikgik naman si Jenyi nang tawa. Sinamaan na lang ni Rougue ng tingin ang dalawa na pawang pinagtutulungan siya.
"Just kidding, bro, seriously, nice course. It's your choice right? Kung MAPEH ang major mo, you'll definitely make it," said Standey.
"Thanks man!"
"Na-sales talk ka naman, " bulong ni Jenyi.
Habang lumalalim ang gabi at kinabukasan ay biyernes na. Nabalitaan namin na babalik ulit kami sa bahay sa gitna ng gubat this weekend para ipagpatuloy ang training.
Lahat kami ay busy sa ginagawa. Si Hzanny lang ang chill sa bawat school activities dahil tinutulungan siya ni Roman.
Si Standey naman ay busy rin dahil mas madugo ang laban n'on sa pag-aaral. Parehas kaming tatlo nina Standey at Rougue ng Department. Rougue's taking Education. Standey's taking AB Legal Studies and me, I'm taking Psychology.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...