Trigger Warning– contains event that may set you off.
Dugo
Jenyi's POVMatapos mailigtas si Hzanny mula sa blue agents na humablot sa kanya ay agad kaming napatakbo sa pwesto kung nasaan sina Geyl at Standey.
Lumapit kami roon at kaagad na napansin ang kadenang nakapulupot sa posas ni Standey.
Nagawa ko nang malaman kung paano gumana ang singsing. I should change the position of diamond and ruby. The ruby is not a ruby but a lazer. Basta. Nang magising ako sa lugar na ito ay una ko nang sinubukan ang singsing. I tried it hard na maalis ang kadena gamit ang lazer and it happened nagawa kong makaalis ngunit agad akong napansin ng asul na agent. Ako dapat ang mapaparusahan n'on dahil sa pagtangkang tumakas pero dahil biglang nagmura si Rougue ay siya ang pinuntirya ng asul na agent. Halos hindi ako makatingin sa ginagawa nila noon sa kaniya. It was my fault.
Narinig ko ang pagkalansing ng kadenang nakapulupot kay Standey. Naalis ko iyon gamit lamang ang lazer ng singsing ko. Matapos niyon dahil sa pamilyar na boses ay pinihit ko ang paningin sa paligid. Everything was on chaos. Ang labanan, ang mga putok ng baril, sigawan, at mga suntok.
Nang makitang nabubugbog si Rougue ng itim na agent ay agad akong naalarma. "Rougue! No! "
The black agent, I thought they are an allied. But shit no, they were more cruel.
Sobrang daming tumatakbo sa isip ko kaya biglang kumikilos nang hindi nag-iisip. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Ang tanging gusto ko lang ay maisalba si Rougue. Hindi ko natanto ang 2 meter rule namin. Nawala sa isip ko na may ganitong epekto ang bracelet ko, mabuti na lamang ay napigilan ako ni Hzanny.
Ilang putok ng baril ang tumatama sa aming direksyon kaya't nagtago kami sa isang haligi.
Tunog ng putok, sa bilis ng tibok ng puso, at paghinga namin ang tanging naririnig ko. Sa bawat ingay ay kapakanan lang ni Rougue ang nasa isip ko. He was with three agents at pinagtutulungan siya!
Hihilain ko na sana si Hzanny para tumakbo sa gawi nito pero wala na siya sa tabi ko.
"Hzanny!" Walang nagawa ang nangangatal kong kamay nang may humigit na asul na agent sa kaniya. Rinig na rinig ko ang irit niya.
Panlulumo ang nararamdaman ko nang sandaling iyon. Hindi ko siya nahawakan agad.
Lumabas ako sa pinagtataguan at ilang putok pa ang kamuntikan nang tumama sa akin. Sinubukan ko pa ring humakbang nang maingat. Nakayuko lamang ako't ilang agent ang tinakas ngunit sa dami nila ay kung sino-sino na ang nakakasagupa ko. Natauhan na lang ako nang may suntok akong natamo mula sa isang black agent. Nahilo ako at namalayan na lang na kinakaladkad sa paa papalapit kay Rougue. Nagpupumiglas siya at nanlulumong nakatitig sa akin. Sumigaw siya kasabay ng atake pero parang lalay na tumama ang kamay niya sa kalaban dahilan upang pagtawan siya ng mga ito.
"Huwag! Tama na!" sigaw ko. "Rougue! " Narinig ko ang beep at vibrate sa bracelet ko. Napamura ako dahil doon. Sa kabila ng karahasan ay sinubukan kong mag-isip ng paraan para makawala sa pagkakaladkad sa akin ng lalaki.
Pawang lahat naman ng agents ay nakataklob ang mukha. Hindi namin sila kilala. Wala kaming kahit na anong ideya. "Bitawan mo ako! Shit ka!" sigaw ko. " Bitaw!" Sinipa ko ang kamay na humihigit sa akin para makaalapas at makalayo ng distansya kay Rougue. I should be distant to him!
"Oh ayaw mo sa kasintahan mo? Ayaw mong sabay kayong mamatay?"
Sumigaw lang ako sa kada sipa ko sa kamay niya. Pawis ako't magabok dahil sa paghila niya sa katawan kong nasa sahig.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...