Jenyi | 65: Deciphered

405 27 1
                                        


tw: mention of suicide.

Deciphered
Jenyi's POV



"Forgiven."

Nang masabi 'yon ni Geyl ay saktong may lumabas na makapal na pink na usok at ang amoy nito'y mabango ngunit matapang.

Nakatulog ako dahil d'on at nagising na lamang sa madilim na lugar. Ni isang liwanag ay wala akong makita. Narinig ko ang pagtawag ni Geyl pero imbis na sumagot ay napasigaw ako dahil sa biglaang paghila sa akin ng kung sino.

"Sorry. Calm down, Jenyi."

Ang paghilang iyon ay kinagulat ko pero 'di ko inaasahan na mas magugulat ako sa kung sinong tao ang nanghila sa akin. Multo? Agad akong muling napatili nang marinig ang boses ng patay ng si Standey.

"Angel of God, my guardian dear--"

Biglang lumiwanag sa dulong bahagi at nasundan ng pagliwanag sa ilang bahagi malayo sa kinalalagyan namin pero sapat iyon para magkaroon ng bahagyang liwanag sa pwesto namin.

I was on the place kung saan ay puro kahoy na kahon at isang taong kamukhang kamukha ni Standey.

"Jenyi, It's me Stand--"

Sa takot ay sinampal ko siya. Hindi ako makahinga dahil sa presensya niya. Multo ito pero fresh lang nang kaunti dahil na puting suit niya. Naka-gel din ang buhok nito. Sobrang bango n'ya pa. He looked so elegant ha.

"The hell? Just listen, okay? I will talk to Geyl, she will be my girlfriend--- I will ask her to be my girlfriend. So, do you think, what will be her reaction?" tanong niya.

He is real and that was a revelation. Nakatulala ako napakurapkurap pa. Huminga nang malalim at sinagot siya.

"K-kukuritin ka no'n sa singit," usal ko. "Sagutin mo ako. Alam kong Califan ka kaya hindi na akong magugulat na kamag-anak ka ng presidente, alam kong isa kang Califan at traydor ka. Naglihim ako tungkol sa E.M.G . dahil alam kong may-contact ka pa rin sa kanila. Kamag-anak ka ng presidente. You traitor! Akala ko n'ong namatay ka ay aalwan na lahat dahil baka nakonsenysa 'yong presidente. Galit na galit ako dahil all this time alam mo ang mangyayari sa amin. Ano? Sabihin mo bakit kami pinagkaisahan ng asul at itim? Bakit ganoon?" mahabang usal ko at dinuro-duro pa siya.

"Dark blue ang kakampi natin dahil mula sila sa Califan Organization, medyo pasaway 'yong leader dahil kahit mismong presidente ng organisasyon ay pinagsasalitaan niya nang masama. At ang itim. . . It was Reious' gang. He's part of Silent G. Inc., sila ng tiyo niya. I wonder kung si Rougue ay kasama pa rin sa pamilya nila ay baka nasa kabilang panig siya. I know all the details of all Seekers lalo na si Geyl. Hear me out, please, about Geyl, please let me know, gusto pa ba n'ya ako?"

Naisip ko si Jay...

Jay was part of this? Someone called Rougue as Rue when that miserable evening happened. Maaring si Jay mismo ang dahilan nang pagkaka-coma ni Rougue.

Jay or Reious, whoever he is. He's still part of the group. I used to trust him before. Now I am intrigued nakadroga ba siya lagi? Maari kayang pinag-aaral nila ako sa pera na galing sa illegal?

"Jenyi." Napabalik ang isip ko sa tanong ni Standey.

"Ah, anong tanong yan? Laging bukas ang pinto n'on at hindi 'yon nagsasara para sa'yo. Ang tanging gusto n'ya lang ay masagot ang tanong niya."

"Magugulat ba s'ya kapag nalaman niyang gusto ko s'yang pakasalan? Hindi kaya takbuhan niya ako dahil sa nagawa ko?"

"Mas magugulat 'yon kung ako ang papakasalan mo at bilisan mo na dahil si Rougue---"

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon