Please Say Yes
Geyl's POVPinag-empake kaming lahat pagkatapos silang pahiramin ng phone. Wala naman akong tatawagan dahil si Manong Kero ay walang cellphone tapos 'yong bolang kristal ko ay walang buhay. In short, wala akong pamilya.
Nagtagal si Jenyi sa katawagan sa telepono at bahagya pa itong umiyak. Habang si Standey naman ay mabilis lang sa tawag . . . para ngang hinawakan n'ya lang ang telepono. Oh! Taliwas kay Roman na medyo galit sa kausap. I wonder what if its about. . . nag-away na naman kaya sila ng ate niya?
Kami rin ang nag-empake ng bagahe nina Hzanny at Rougue. Sumakay sila ng van kahapon at ang binigay na paliwanag sa amin ay pupuntahan daw nila ang pamilya nila para sa EMG-thingy.
"Grabe ang layo natin sa siyudad," usal ni Jenyi at nakatingin sa labas ng bintana. Halos apat na oras na kaming bumabyahe. Apat kaming nasa loob ng van at isang driver sa unahan, he is not just a driver but an Califan's Agent.
"All awake?" tanong ng CA's Agent nasa tingin ko ay kanya 'tong sasakyan. Halos alam niya kasi ang bawat singit ng sasakyan. May mga gamit siya na hula ko ay matagal ng nanduduon. Mga plastic ng candy, toothpick, some keys, flyers, wallet, whistle, watch, and cellphone. Sobrang kalat.
"Okay, Listen. I will drop you at gas station. I want you to act normal. Seeker Number Six and Seeker Number Three are already waiting there. Geyl and Hzanny will act like sister and the others are civil. Again, all of you will act unfamilliar to each other," malinaw na paliwanag niya.
Seeker Six; Hzanny.
Seeker Three; Rougue."Why? Hzanny and I?" tanong na pumukaw sa isip ko.
"Hzanny is just fourteen years old.Walang maniniwala na mag-isa lang siya sa condo. All of you will go to the store near at gas station. You need to decipher the code hinding there. You will do it individually except sa mag-ate na si Hzanny at Geyl. Malinaw ba? Decipher the code and that will lead to your condo. Warning you . . . it's not really the code that you know."
"Ihatid mo na lang kaya kami sa condo unit namin, ba't pahirapan pa?" tanong naman ni Jenyi. Nakita ko ang prustrasyon sa mukha n'ya.
"May training ba'ng madali? "
"Training," Jenyi mocked.
Nakarating kami sa store nang magtatanghali na. Ala-sais kami nang umaga umalis tapos puyat pa kami sa pag-iimpake.
Oh god, drain na drain ako!
"Sorry, Seekers. Mauuna pa ang gamit n'yo kaysa sa inyo." Iyon ang sinabi ng CA's agent slash driver namin bago ko saraduhan ang pinutuan ng sasakyan.
Buti naman ay hindi na pinadala sa amin ang mga bagahe. Mauuna nga lang daw 'yon sa aming condo. Oh? Condo! Tig-iisa kami! 'Di ko alam kung anong mararamdaman ko na ngayon ay kaming dalawa ni Hzanny ay magkasama. Aakto akong ate . . . I can't imagine myself. I don't have any family. 'Di ko na nga alam ang pakiramdam na maging anak dahil maaga akong naulila. I just have Manong Kero as my family. . . Hzanny is new to me. I hope I can handle her well.
Katulad sa sinabi ng CA's agent slash driver namin ay ibinaba n'ya nga kami sa bakanteng lote na malapit sa Gas Station. Naglakad silang tatlo na parang hindi kami magkakakilala. Na parang hindi kami nagputukan. Great!
Dahil nga normal na mamayan lang kami at unfamilliar sa isa't isa ay mag-isa akong pumunta sa store. Where I should get the freaking codes?
"Ate!" sigaw ni Hzanny papalapit sa'kin.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...