PROLOGUE

64 7 2
                                    

BELLE'S POV

"Anong lugar to? Bat ang dilim dito? Nasaan ako?" natatakot kong sabi ng biglang may narinig akong tili ng babae.

Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang limang tao.

"Wag mo tong gawin sa amin ------" nanginginig ang boses ng babae.

Ginala ko ang aking paningin at nakita na may babae sa harap, mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang bewang ngunit hindi ko makita ang kanyang itsura. Iba rin ang kulay ng buwan ngayon nakakagulat ngunit pula ang kulay nito. Palapit na nang palapit ang babae sa limang tao na nasa harap ko.

Ayokong madamay dito pero di ko rin sila pwedeng iwanan. Kailangan na namin umalis bago lumapit ng tuluyan ang babaeng nasa harap namin.

Nang hinawakan ko ang kamay ng isang babae nagulat ako dahil hindi ko to mahawakan sinubukan kong sumigaw at sabihing kailangan na namin umalis pero bakit di sila nakikinig sa akin at tila'y di nila ako naririnig.

"Huh? Anong nangyari? Ano nang gagawin ko ngayon? Hoy!, kailangan na natin umalis dito delikado dito makinig kayo!"

"Hindi ka nila maririnig" napalingon ako nang marinig kong may nagsalita.

Ngunit wala akong nakita humarap ulit ako ngunit wala na ang limang taong nakita ko pati na ang babae na mahaba ang buhok tanging kadiliman lamang ang andito.

"Nalalapit na ang takdang panahon,  muli na tayong magkita Belle".

"Sino ka? Pano mo ko nakilala? Magpakita ka sa akin!" sigaw ko ng may bigla akong narinig.

"Ate? Ate, gising na malalate ka na sa school!"

Nagising ako ng maalala ko na ngayon nga pala ang unang araw ko sa paaralan.

"Anong oras na Priness?"

"7:30 na ate" sagot nito habang hinarap sa akin ang kanyang cellphone.

"Putek nine nga pala ng umaga yung orientation di ako pwede malate" sigaw ko habang nagmamadali na tumayo sa kama.

Naligo agad ako at nagbihis ng damit. Bumaba na ako ng bahay para magtoothbrush at nagsapatos na ako upang umalis na.

"Aalis na ako, Ma malalate na po ako sa klase eh"

"Eto baon mo oh magdala ka na rin nitong tinapay naku Belle unang araw pa naman" sabi ni mama habang natawa.

"Opo Ma, Aalis na po ako,  Salamat"

At dito na nga mag-uumpisa ang panibagong yugto ng aking buhay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon