CHAPTER XII: MY ROOMMATE

14 5 0
                                    

BELLE'S POV

"Guys, may gusto akong sabihin may isa pa akong naramdaman ng kakaiba maliban sa inyo".

Napatingin silang lahat sa akin.

"Sino? " tanong ni Poeny.

"Ang roommate ko, si Aqua nag-aaral siya sa kabilang school bilang isang STEM student rin. Sa pagkaka-alala ko nung lumipat ako nakaramdam ako ng kakaiba pagpasok ko sa kwarto pero di ko naman yun pinansin dahil hindi ko alam ang tungkol sa mga ability".

"Kung ganun kailangan mahuli mo siya sa akto na ginagamit niya ang ability niya o di kaya'y mapaamin mo siya" sabi ni Tristan.

"Okay" sagot ko.

"Masyado ng madilim bumalik na muna tayo sa mga lugar natin, mag-ingat kayo sa daan" paaalala ni Mark.

Lumabas na kami sa apartment ni Tristan.

"Gusto mong ihatid na kita papuntang dorm" tanong ni James.

"Hindi okay lang ako James" sagot ko naman.

Umuwi na ako at saktong alas-syete na ng naka-balik ako sa dorm. As usual nasa upuan niya si Aqua at may ginagawa. Nakaramdam nanaman ako ng kakaiba sa kanya. Pero pagod na ako dahil ang daming naganap ngayon na di ko inaasahan. And to think na totoo pala ang mahika. Gusto ko munang magpahinga.

One of the Knights POV

"It was fun experience, I thought theres only three people that have an ability in that place. They really entertain me. Call the White Rook and tell him to prepare" nakangising sabi ng Queen.

Belle's POV

Asan ako? Bat madalim dito? Napalingon ako at nakita ko ang panaginip ko dati may babaeng mahaba ang buhok at 5 tao. Pula ulit ang buwan. Nagulat ako ng may marinig ako.

"Malapit na muli tayong magkita" biglang dumilim at nakita ko si Clark na patay na.

Napabangon ako sa higaan ko at nakita ko si Aqua sa tabi ko.

"Okay kalang Belle?" tanong nito."Kanina ka pa sumisigaw sa higaan mo" dagdag pa niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihingal.

"Okay lang ako, nanaginip lang ako ng di maganda" sagot ko.

Bumalik na ako sa pagkakahiga. May ability nga pala si Aqua pero hindi ko alam. May nararamdaman ako na kung ano kapag malapit siya sa akin. Kailangan kong malaman ang ability niya at kailangan mapasali ko siya sa amin.

"Aqua? Naniniwala ka ba sa mga magic? " tanong ko.

Humarap siya at kita sa mukha niya ang pagkagulat. "Yeah, naniniwala ako sa mga ganun hindi naman natin lahat alam kung anong totoo o hindi pero para sa akin totoo yun dahil sa mga di mapaliwanag na mga pangyayari sa mundo" sagot niya.

"Sabagay may point ka" sagot ko naman.

"Kung magkakaroon ka ng ability ano ang gusto mo? " tanong ko sa kanya.

"Ahh okay lang naman sa akin kahit anong ability eh" sagot niya "Teka nga may problema ba Belle at nagtatanong ka ng ganyan?" natatawang tanong niya.

"Ahh wala naman naisip ko lang bigla" sagot ko sa kanya.

"At kailan ka pa nahilig sa ganyang topic?" tanong nito.

"Bakit bawal magtanong?" tanong ko.

Natawa lang ito at nagsabing matutulog na daw siya.

Kailangan ko siyang mahuli na may ability pero pano ni hindi ko nga alam kung anong ability niya. Mukha kailangan pa namin siyang imbestigahan bukas kapag kumpleto na kami.

Aqua's POV

Hindi ko inaasahan na magtatanong ng ganun si Belle. Hindi kaya may ability rin siya gaya ko? O talagang nagkataon lang na nagtanong siya. Ayokong umamin sa kanya na may ability ako baka mamaya ay natanong niya lang yun ng biglaan. Pero kailangan ko rin malaman kung may kagaya ba ako sa mundong ito na makakatulong ko.

Hayaan ko na nga muna matutulog na muna ako naantok na rin ako.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon