BELLE'S POV
Biglang nilamon ng ahas ang White Knight.
Tumayo ako at lumipad papunta kay Erra.
"Okay ka lang?" tanong ko dito.
"Yup napapagod lang ako dahil ngayon ko lang yun ginawa" nakangiti niyang sabi. "Tara na hanapin na natin sila"
"Tara na nga" tinulungan ko na siya sa pagtayo at naglakad na kami.
Pero bago pa kami maka-alis ng tuluyan ay biglang may liwanag na nabuo sa likod namin. Pagtalikod namin ay nakita namin na may kidlat na lumabas sa katawan ng ahas ni Erra. Nasira na nga ng tuluyan ang ahas.
"Where the fuck are you going right now ?" ngising sabi ng White Knight.
Wala nang damit pantaas ang White Knight at puno na rin to ng dugo.
"Hayop, ang tibay ha" sabi ni Erra.
"Tell me Belle can you still copy my aura now?" sabi ng White Knight.
Nakita ko na ang isa kong sarili na gawin ang mga trump card nila Tristan at Poeny pero hindi ko pa rin yun kayang gawin hanggang ngayon.
"As a reward for both of you. May ikwekwento ako sa inyo. Long time ago in one village there was a happy family they love each other and they help each other" kwento nito.
"Tumahimik ka nalang" sigaw ni Erra.
Pero patuloy pa rin sa pagkwento ang White Knight.
"May anak sila na dalawang lalaki. Isang araw nahuli ng tatay nila na may kasama na iba ang nanay nila at nagkagulo na nga sa pamilya nila hanggang sa humiwalay na nga ng nanay sa kanila sinama niya ang bunso niyang anak. Nasama siya sa bagong pamilya ng nanay niya. Minaltrato siya doon sa murang edad. Ginawa siyang utusan araw-araw rin siyang binubugbog doon hanggang magsawa na ang bata at nagplanong tumakas at bumalik sa tatay niya at kuya niya. Pero nang tatakas na siya ay nahuli siya kaya binugbog nanaman siya hanggang lumabas nalang bigla ang ability niya at sinunog niya ang buong bahay. Nang makabalik siya dati nilang bahay ay wala na ang kuya niya dito at may iba nang kasama ang tatay niya sa sobrang galit pinatay niya rin ang tatay niya. Makalipas ang ilang taon nagkita sila ng kuya niya sa isang libingan at niyaya niya na sumama sa kanya. Ang ganda ng story ko no?" nakangiti niyang tanong.
"Hindi naman halata na kwento yun ng buhay mo no?" pang-aasar ni Erra.
Ngumiti lang sa kanya ang White Knight at inatake kami ng kidlat. Nakagawa ng shield si Erra pero nasira rin ito agad. Patuloy lang sa pag-atake ang White Knight. Nagtatago naman kami ni Erra sa mga bato.
"Pano siya nakakatagal sa paggamit ng Trump Card niya?"
"Hindi ko rin alam" sagot ko.
"Nagpalipad ng mga malalaking bato si Erra pero agad naman itong nasisira ng White Knight gamit ang kidlat niya.
Umatake rin ako ng apoy pero parang mas malakas ang kidlat niya.
"Anong gagawin natin?"
"May naisip ako" sagot ni Erra.
Muling ginamit ni Erra ang trumpcard niya mau mga naglabasan na lava na umatake sa White Knight kanya naman itong iniilagan.
Lumipad ako para salubungin ang White Knight ng hindi niya napapansin. Nang malapit na ako dito at nakita niya ako at inatake ng kidlat mabuti nalang ay biglang may lupa na humarang.
Nang makalapit na ako ay tinangka ko na siyang saksakin at ayon nga sa inaasahan dinipensahan noya ang sarili niya at biglang may lava na espada ang tumusok sa likuran niya. Nahulog na ito sa lupa na at umagos na ang kanyang dugo.
Bigla itong tumawa ng malakas.
"Mamatay na ako, mamatay na ako" paulit-ulit nitong sabi habang unti-unti nang nagiging abo ang katawan niya.
"Belle, humanda kayo sa kuya ko lalo na pag-malaman niya na pinatay niyo ko. Makikita niyo kung gano kalayo ang lakas naming dalawa kahit parehas kaming Knight" natatawang banta nito.
Tuluyan na ngang naging abo ang katawan niya. Nahimatay rin si Erra dahil sa mga nangyare kanina. Pinagpahinga ko na muna siya dahil hindi ko siya pwedeng iwan nalang dito.
MARK'S POV
Bigla-bigla nalang may lumalabas na portal at may mga sandata na lumalabas dito. Paano ko to matatalo ni di ko alam asan siya takbo lang ako ng takbo.
Alam na alam niya saan papalabasin ang mga espada at kung saan ako pumupunta. Hindi ko namalayan na may portal sa bandang itaas ko biglang may mga arrow na lumabas dito. Mabuti nalang at may shield na humarang sa akin.
"Bro" pagtingin ko sa likod ay nakita ko si Rei.
"Rei!" sigaw ko.
Magkasama na kaming dalawa at kagaya ko may mga portal rin daw na lumalabas at inaatake siya.
"Kailangan natin mahanap asan ang White Bishop"
"Saan ba ang lugar na pinakamaganda para sa may ability na portal" sagot ko.
"Sa Operating Room!" sigaw ni Rei.
"Oo nga no" sagot ko. "Pero di pa ako nakakapunta dun kaya di ko kaya magteleport dun" dagdag ko pa.
Mukhang wala na akong choice pero isang beses ko lang pwedeng gawin to sa isang araw. Pero kung di ko to gagawin baka mamatay lang kami ni Rei. Pero wala na talaga akong choice.
"Alam ko na ang gagawin ko. Rei huminto muna tayo atsaka ikaw na bahala sa mga portal na lalabas"
"Sige Bro pero anong gagawin mo?" tanong nito.
"Hahanapin ko asan ang White Bishop" nakangiti kong sagot.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.