BELLE'S POV
Di ko na alam gaano na ako katagal na andito pero feeling ko naman mga ilang araw na rin.
Ano na kaya ang ginagawa nila? Kailangan ko na talaga makabalik.
"How long do you plan to keep dodging?" sabi nito.
Anong ability ang pwedeng makapag-detect at makagaya ng ability? Iniisip ko palang anong ability ko ng biglang natusok ang binti ko ng mga dahon.
"Aray" napaluhod ako at napahawak sa binti ko.
"Hindi na kita papagalingin ngayon kung mamatay ka na dito hindi ko na yun pipigilan pa" seryosong sabi nito sa akin.
Ano ba kasi ang ability ko? Detecting whether they have an ability and to copy their ability? Napapa-isip pa rin ako ng naalala ko nung una ko siyang nakita.
May nakapalibot na sa akin na mga ugat, thread at ice spikes.
"Wait alam ko na kung anong ability meron ako. Alam ko na anong ability ko!" sigaw ko.
"My ability is to manipulate their -"
Ngumiti lang ito sa akin at biglang nawala.
Nagising na ako at nakita ko na madilim dito. Nasa isa akong kama at nakita ko na may dalawa na babae na nakatalikod at nag-uusap kaboses nila sila Aqua at Poeny.
"Aqua? Poeny?" mahina kong sabi.
Napaharap sila sa akin at halatang-halata ang pagka-gulat sa kanilang mukha.
"Belle" naiiyak nilang sabi at niyakap nila ako.
Niyakap nila ako ng mahigpit habang umiiyak. Umupo naman ako sa kama para mas mayakap ko sila.
"Anong nangyare, bat ang haba na ng buhok niyo atsaka asan tayo at asan ang iba nating kasama?" tanong ko.
"Nakatago tayo ngayon dito sa kweba wala pa silang apat dito kumukuha sila ng makakain" sagot ni Aqua.
"Akala ko hindi ka na magigising pa" naiiyak na sabi ni Poeny.
"Pasensiya na masyado akong natagalan, teka ilang araw ako nakatulog?" tanong ko.
"Dalawang taon at isang buwan ka ng tulog" sagot ni Aqua.
"Ano!? Dalawang taon at isang buwan!?" gulat kong tanong.
"Panigurado magugulat sila kapag makita nilang gising ka na" sabi ni Poeny habang pinupunasan ang mukha niya.
"Andito na kami!"
Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses.
"Andito na sila" sabi ni Poeny.
"Tara na salubungin natin sila" yaya ni Aqua.
Tumayo na ako at sinamahan sila. Binababa na nila ang mga nakuha nila ng makita namin sila.
"Guys" naiiyak kong sabi.
Napatingin naman silang lahat at nagulat ng nakita nila ako.
Lumapit sa akin sina Claire, Ray at Mark at niyakap ako.
"Mabuti naman at gising ka na" naiiyak na sabi ni Claire.
Naramdaman kong may yumakap sa likod ko. Napatingin naman ako para makita sino ang yumakap sa akin.
akita ko si Tristan na umiiyak at bumulong siya sa akin"Welcome Back, Belle"
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasiYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.