CHAPTER XVIII: NEW MEMBER OF THE GANG

13 4 0
                                    

BELLE'S POV

Napagdesisyunan namin na sa apartment nalang muna ni Tristan kami magpahinga dahil siya lang naman mag-isa dun.

Hiniga na muna namin sila Clark at Tristan sa higaan. Ala-una na rin ng hapon nang makarating kami sa tinitirhan ni Tristan. Nasa sala kaming tatlo nila James at Poeny. Si Poeny ay umiiyak pa rin Samantalang tahimik naman si James.

"James pano ka pala nakapunta kanina?" tanong ko.

Napatingin sa akin si James.

"Nang umalis kayo ilang oras lang ay nagsipag-iyak ang mga tao sa room at nawala ang nagpapanggap na si Tristan. Pumunta rin ako sa room ni Clark pero wala na rin dun ang impostor na Clark kaya napagdesisyonan kong puntahan na kayo. Anyway,  anong ability ng Rook na nakalaban niyo? " tanong ni James.

"Illusion" sagot ko.

Inalis na ni James ang tingin niya sa akin.

"Kung ganun nakaharap na natin ang apat sa Official ng Chess" seryosong sabi nito.

Maya-maya pa ay may narinig kami na naglalakad palabas ng kwarto.

"Clark!" sigaw ko napatingin naman kaming tatlo kay Clark.

"Anong nangyare kanina? " tanong nito.

"Natalo natin ang White Rook pero nung papatayin na yun ni Tristan ay may biglang sumulpot ang dalawa pang Officials ng Chess" sagot ni James.

"Ano!? " gulat na sigaw ni Clark.

"Pumunta ang White Bishop at White Knight" singit ni Poeny. "Si Tristan lang ang nasaktan ng pumunta sila at tinakas lang ata talaga nila yung kasamahan nila" dagdag pa ni Poeny.

"Nakita niyo ba ang ability nung dalawa pang Chess? " tanong ni Clark.

"Apoy ang ability nung Knight di ko lang sure sa Bishop pero nay lumitaw na portal dun kaya mukhang portal ang ability ng Bishop" sagot ni James.

"Ang hindi ko maintindihan bakit kulay puti ang Chess Piece nila. Kung maalala niyo black at white ang sa Queen. Di kaya may kinalaman rin ang kulay ng Chess Piece sa rank nila?" tanong ko.

"Hindi natin alam at di natin yan masasagot dahil wala pa tayong nakakatagpo na black ang kulay ng Chess Piece" sagot ni James.

"Tama si James Belle, saka na natin yan isipin kapag may makaharap na tayo na Chess Piece na kulay itim" sagot ni Clark.

"Nakita na natin gano kalakas ang isang Rook at si Tristan lang ang nakalaban sa kanya sa atin na nanalo kung ganun sa susunod na makaharap natin ulit ang Chess Piece na yun o isa pang Rook si Tristan at James lang ang may laban sa kanila" sabi ni Clark.

"Ako?" naguguluhan na tanong ni James.

"Alam kong malakas ang ability mo James kailangan mo lang malaman ano yun at pano gamitin pero kahit ganun naniniwala ako na sa grupo na ito kayong dalawa ni Tristan ang pinaka-malakas" paliwanag ni Clark.

Nagulat kami pero mukhang totoo naman ang sabi ni Clark. "Kailangan natin na masama sa grupo si Aqua bago pa man bumalik ang mga Chess"  dagdag nito.

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang nangyare kanina.

"Pag magising na si Tristan pupunta tayo sa dorm mo Belle at kakausapin natin si Aqua kailangan natin bilisan dahil hindi natin alam kung kailan babalik ang Chess" bilin ni Clark.

Maya-maya lang ay lumabas sa kwarto si Tristan.

"Gising na siya" mahinahong sabi ni James.

Natuwa kami at gising na rin si Tristan. Nag-ayos na sila Tristan at Clark para umalis.

Alas-singko na ng maka-alis kami sa apartment na tinitirhan ni Tristan. Dumiretso na kami sa dorm ko.

Pagpasok ko sa dorm ko ay nakita namin si Aqua sa kama niya at nagbabasa. Napatingin ito ng makita na pumasok kami.

"Aqua, pwede ka bang maka-usap? " tanong ni Clark.

Hindi naman na umangal si Aqua.

"Pasensiya na talaga sa nangyare kaninang umaga, pero gusto ko lang sana na yayain ka sa grupo namin laban sa Chess, it's only a matter of time bago nila malaman na may ability ka at kapag mangyari yun panigurado ay huhulihin ka nila at isasali sa mga masasama nilang gawain o papatayin ka. Hindi mo makakaya na talunin mag-isa ang Chess kaya mas maganda kung may katulong ka sa paglaban sa kanila" paliwanag ni Clark.

Napaluha nalang bigla si Aqua, nagulat kami dahil hindi namin alam ano ang dahilan bat siya umiyak.

"Tinatanggap ko ang offer niyo tutulong ako sa inyo. Pinatay ng Chess ang mga magulang ko nung bata palang ako sa harap ko mismo. Sa pagkaka-tanda ko ay isang lalaki na may espada na itim at maskara ang pumatay sa kanila. Sa maskara na yun ay nakasabit ang hikaw na Black Knight. Ang lakas niya at walang magawa ang mga magulang ko laban sa kanya at walang awa niya nang pinatay ag magulang ko. Hinayaan niya akong mabuhay sa hindi ko alam na dahilan. Pero pagkatapos nun ay sinumpa ko sa sarili ko na balang araw gaganti ako sa mga Chess" naluluhang kwento ni Aqua.

Nagulat kami sa sinabi ni Aqua. Naawa ako sa nangyari sa kaniya.  Niyakap nalang namin siya tanging sina James at Tristan lang ang hindi sumali sa pagyakap.

"Meron na tayong anim na member sa grupo" natutuwang sabi ni Clark.

Ngumiti kami sa sinabi ni Clark dahil alam namin na mas malaki na ang chance namin.

"Umuwi na tayong lahat at bukas ay magtraitrain tayo pagkatapos ng klase" bilin ni Clark.

"Mauuna na ako Belle"paalam ni James at Tristan.

"Sige lang, ingat sa daan" sagot ko naman at kinawayan sila.

Kami nalang ni Aqua ang natira dito sa dorm.

"Igaganti ko ang magulang ko" galit na sabi ni Aqua.

"Wag kang mag-alala magaganti mo sila, tutulungan ka namin" sabi ko nalang at ngumiti naman siya.

"Magpapahinga na ako napagod ako ngayon lalo na't may nakalaban kaming Chess kanina" sabi ko.

"Ano!?" gulat na tanong ni Aqua. "Ano ang rango ng nakalaban niyo? " tanong pa nito.

"Rook ang nakalaban namin pero nung natalo na namin siya dumating ang isang Bishop at Knight pero lahat sila ay White ang Chess Piece" sagot ko.

"Kung ganun hindi pa sila ang pinakamalakas sa klase nila" sabi ni Aqua.

Kumunot lang ang nuo ko sa sinabi ni Aqua.

"Wala bukas ko na papaliwanag, magpahinga ka na" bawi ni Aqua.

Di na ako nagtanong ulit lalo na't pagod na rin ako. Di ko namalayan pero nakatulog na ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Name: Aqua Santos
Age: 17
Ability: Water
Trumpcard: Can change the temperature of water and turn into Ice.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon