CHAPTER XIX: THE TRANSFEREE

13 3 0
                                    

BELLE'S POV

Kinabukasan pumasok kami sa klase.

Pinag-sabihan kami ni sir dahil bigla nalang daw kaming nawala at di na bumalik. Sinabi nalang namin na may emergency na nangyare at nagpasama ako sa kanila.

"Good Morning class" bati ni Sir,  "Good Morning Sir Nick" sagot naming lahat.

"Bago tayo mag-umpisa sa klase ay ipapakilala ko sa inyo ang bago niyong kaklase".

Pumasok sa room namin ang isang lalaki. Gwapo rin siya pero di hamak na mas gwapo sila James at Tristan.

"Hello, Im Rei Fernandez Im 17 years old. Please take care of me" nakangiti niyang sabi.

Lahat ng babae sa room ay nagsipag-tili pagkatapos niyang magsalita.

"Madadagdagan nanaman ang gawpo sa room natin" sigaw ng isa naming kaklase.

"Tahimik" saway ni Sir at tumahimik naman ang buong klase.

"Mr. Fernandez dun ka nalang sa tabi ni Mr. Barrera umupo." sabi ni Sir.

"Salamat po" sagot naman nito.

Nang papalapit na siya ay may naramdaman nanaman ako na kakaiba.

Binaba niya ang bag niya at bumati kay James.

"Hello" nakangiti niyang bati. Hindi siya pinansin ni James.

Humarap siya sa amin ni Tristan at bumati rin. Nginitian ko siya pero di siya pinansin ni Tristan.

Naglunch break na at pumunta sa room namin sina Clark at Poeny. Hindi namin ka-schoolmate si Aqua kaya kami munang lima ang andito. Nagkayayaan kami na pumunta sa canteen.

"Alam niyo ba saan ang canteen dito?" biglang nagtanong si Rei. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Kung gusto mo pwede ka naman sumabay sa amin papuntang canteen" sagot ko.

Nagulat sila sa sinabi ko pero di nila ako pinigilan. Pumayag naman si Rei at sumabay sa amin papuntang canteen. Nang nasa canteen na kami ay nagpasalamat ito sa pagturo at umalis na.

"Ano meron bat mo yun pinasama? Bet mo siya no? " pang-aasar ni Poeny.

"Adik hindi ko siya gusto" mabilis ko namang sagot.

"Bat defensive?"

Natawa lang ako sa kanya 

"Pa-issue ka masyado sis" natatawa kong sabi.

Natatawa rin si Clark pero naka-seryoso ang mukha nila Tristan at James.

"Ayy bat seryoso mukha mo James? Nagseselos ka? " pang-aasar ni Poeny.

"Please don't call me James si Belle lang ang gusto ko na tumatawag sa akin ng ganun. Anyway, yes Im jealous" seryosong sabi ni James.

"Aww nagseselos naman pala si Kuya James" natatawang sabi ni Poeny.

"Tama na nga yan" pagputol ko baka kung ano pa masabi ni James eh.

"Nung umupo kanina sa upuan si Rei may naramdaman ako na kakaiba kaya sinama ko siya dito para maging close siya sa inyo. Sure akong may ability rin siya" paliwanag ko. "

"Tama lang ang ginawa mo Belle dapat mapalagay ang loob sa atin nung bago niyong kaklase" sagot ni Clark.

"Kailangan mapasali natin siya sa grupo natin pero wag muna ngayon. Mamayang hapon tuloy ang training natin. Tristan, James" paalala ni Clark.

Sumingit bigla si James "Harold" tamad niyang sabi.

Napatigil si Clark pero tinuloy niya nalang ulit.

"Tristan,  Harold at Belle kailangan malaman niyo ang ability ng bago niyong kaklase at kailangan mapalagay ang loob niya sa inyo, maliwanag? " bilin ni Clark.

"Opo,  sir" biro kong sagot natawa lang si Poeny pero seryoso lang mukha nila James at Tristan.

Bumalik na kami sa kanya-kanyang room. Di pa rin mapinta ang itsura ng mukha nila James at Tristan. Nag-iisa lang sa pwesto si Rei sabagay kami nga palang tatlo ang nakapalibot sa kanya. Nagbabasa siya ng libro.

"Gusto mo ng tulong? " sabi ko kay Rei. "

Ahh okay lang po ako, salamat" sagot ni Rei.

"Wag ka na mahiya" sagot ko.

Hinila ko si James para bilisan ang pagpasok.

"Rei, James nga pala pangalan niya" pagpapakilala ko.

"Hello, James" bati ni Rei.

"Just call me Harold" cold na sagot ni James.

"Ahh sige Harold"

"Tulungan no naman siya James, alam mo ba si James ang nag-top 1 sa entrance exam dito sa buong G11 students" kwento ko.

Halata naman sa mukha ni Rei ang pagkamangha
 
"Ayoko" seryosong sabi ni James.

"Sige na, please di ka ba naawa na kailangan niya maghabol ng klase?" sabi ko kay James habang naka-pout ang mukha.

"Aishh oo na pero isang topic lang ha" sabi ni James.

Natawa ako ang dali niyang utusan. Nakita ko si Tristan na masamang nakatingin sa aming tatlo pero hindi ko nalang siya pinansin.

Tinuruan ni James si Rei. Hindi ako kinaka-usap ni Tristan kahit ilang beses ko na siyang tinatanong.

Ano kaya problema nung lalaking to?  Ginagawa ko lang naman bilin ng bestprend niya ha. Bahala siya. Natapos na ang klase at nag-uwian na.

"Goodbye Sir Nick." bati naming lahat. Dalawa ang subject na hawak ni Sir Nick sa amin. Kaya siya ang teacher namin sa unang klase at sa huling klase.

"Rei, pwede ka bang sumama sa amin?" tanong ko.

Napatingin sila Tristan at James sa sinabi ko halatang nagulat sila.

"Okay lang naman, pero okay lang ba talaga atsaka saan tayo pupunta? " tanong ni Rei nakahalata ata na ayaw nung dalawa.

"Okay lang, sumama ka sa amin. " sabi ko.

Lumabas na kaming apat at pumunta sa meeting place namin.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon