CHAPTER LII: THE CORPSE

9 2 0
                                    

BELLE'S POV

Kinagabihan ay sumugod na nga kami sa palasyo. Ang daming Pawn doon. Pero natalo naman namin sila agad.

Nalibot na namin ang palasyo pero di namin makita ang White Bishop. Sabi ng isa sa mga sundalo ilang araw nang di bumabalik ang White Bishop.

"Tara na't wala dito ang White Bishop pakawalan na natin ang mga preso" sabi ni Tristan at dumiretso pababa papunta sa kulungan.

Sinundan naman namin si Tristan at pagkapunta namin dun ay pinakawalan na namin ang mga preso.

"Ako na sa dulo" sabi ko.

Pagtingin ko sa dulong selda ay nagulat ako sa nakita ko sa loob. Kaagad kung sinira ang selda gamit ang espada ko.

Pagpasok ko sa selda ay di ko na napigilan ang luha ko. Maya-maya ay dumating silang lahat at pinuntahan ako.

"Anong nangyare?" tanong ni Tristan.

Humarap ako sa kanila habang hawak ang isang kalansay. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

"Ha-harold" naiiyak na sabi ni Claire.

"Hindi buhay pa dapat si Harold diba siya pinaka-malakas sa atin?" naiiyak na sabi ni Aqua.

"Pero kung di yan si Harold sino yan at bakit nasa kanya ang damit ni Harold ng huling kita natin sa kanya at yung relo na kaparehas ng kay Harold" naiiyak na sabi ni Rei.

Matapos pakawalan ang mga nakakulong ay bumalik na kami at binurol namin ang kalansay. Dala-dala ko pa rin ang relo niya at tinago iyon dahil naniniwala ako na buhay pa si James.

Nasa harap ako ng puntod ni James at tumabi si Tristan.

"Hindi ko inaasahan na mangyayare yan sa kanya" sabi nito.

"Ako rin eh" naiiyak kong sabi.

"Close talaga kayo no?"

"Mabait naman siya sa akin at siya nag-approach sa akin nung una kaya ang sakit lang makita na namatay na siya" sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko.

"Yeah, sobrang sakit totally nung nakita ko si Clark na namamatay na at wala akong magawa ay galit na galit ako sa sarili ko at gusto ko nang itigil to pero kung ititigil ko to ayoko naman na makita kayo na mamatay kaya pinagpatuloy ko pa rin wala na akong magulang wala na rin si Clark kaya kayo nalang ang meron ako. At nangako ako kay Clark na igaganti ko siya hindi ko hahayaan na mamatay siya sa wala. Igaganti natin ang pagkamatay ng mga kaibigan natin" sabi nito.

"So Belle please stop crying the more I see you crying it feels like my heart is turning into a pieces. I can't afford to see you in that state and the worst is that I can't do anything for you" sabi niyang seryoso ang mukha at pinupunasan ang mga luha ko gamit ang daliri ko.

Niyakap ko nalang siya.

"Thank you, okay naman na ako kahit papano mamimiss ko lang si James lalo na't ilang beses niya na akong pinagtanggol" mahina kong sabi.

Tinigil ko na ang pagyakap at pinunasan ko na ang mukha ko.

"Balik na tayo" yaya ko.

Tumango lang ito sa akin habang nakangiti.

Bumalik na nga kami sa tent at nagpahinga. Kinabukasan bumalik kami sa puntod ni James at nagpaalam na.

Naglalakad na kami padiretso kahit di namin alam saan kami mapupunta. Tatlong araw ang nakalipas pero wala pa kaming nakaharap na Chess o kahit na anong palasyo.

"Magpapahinga na muna tayo dito" sabi ni Tristan.

"Okay ka lang Belle?" tanong ni Erra.

"Okay lang ako napagod lang ako kakalakad" sagot ko.

"Wait lang ha magtatayo lang ako ng tent" sabi nito.

Pinagalaw niya ang lupa at gumawa na ng tent. Pumasok na muna ako dun at natulog.

"Belle? Gising na?"

"Aqua? Bakit at anong oras na?" tanong ko kay dito.

"Kumain ka na ng tanghalian 12:30 mo" sagot nito.

Bumangon na ako at lumabas ng tent. Nakita ko na kumakain na sila nakisama na rin ako sa pagkain.

"Ang weird wala pang Chess na sumusugod sa atin" sabi ni Claire.

"Pansin ko rin eh" singit ni Rei.

"Okay lang yun magtraining na muna tayo dito kahit dalawang araw lang" sabi ni Tristan.

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga na muna kami. Nang maghapon na ay nagtraining na kami dalawang araw kaming nagtraining. Lahat naman kami ay nag-improve. Ang pinaka-tintukan namin ng training ay si Erra dahil na rin wala siyang gaanong alam pano makipaglaban.

Mas nagagamay ko na rin ang ability ko kahit papano. Gusto kong magaya ang nakita ko sa state of nothingness ko na kayang pagsabay-sabayin yung ganung karami na ability gusto ko yun matutunan para malaki ang matulong ko sa pagtalo sa Chess.

Kapag tapos na kami magtraining ay sinasamahan ko sila Rei na maghunting ng makakain sa kagubatan.

Kapag naghuhunting kami si Tristan ang magkasama ko kaya dun kami pinaka-nag-uusap. Ibang-iba kasi ang ugali ni Tristan kapag nasa grupo kami at kapag kami lang. Kapag sa grupo ay napaka-seryoso niyang tao at kapag naman kami lang ay napaka-isip-bata at ang hilig mang-asar.

"Alam mo ang hilig mong mang-asar nakakainis kala mo kung sinong gwapo" sabi ko kay Tristan.

Nagulat ako ng biglang tumalikod si Tristan at di na nagsalita.

"Uy joke lang di naman ako naiinis sayo. Wag ka na mainis" nahihiyang sabi ko habang nakahawak sa likod ng damit niya.

"Okay" sagot niya.

"Galit ka pa eh"

"Hindi ako galit"

"Weh?"

"Oo nga"

"Sabi mo yan ha"

"Di na ako galit basta aminin mo na gwapo ako".

"Kapal ha"

Naglakad lang ito papalayo.

"Uy, Tristan? Tristan! Oo na gwapo ka na, happy?" naasar kong sabi.

"Alam ko namang gwapo ako gusto ko lang na manggaling sayo yun para masagot ko kung totoo" sagot niya.

"Totoo ang?"

Humarap ito sa akin at lumuhod para pantayan ang height ko at tumitig sa mata ko habang nakangiti.

"Sabi kasi nila kapag paulit-ulit nang sinasabi sayo ng mga tao nawawalan na yun ng meaning para sayo pero kapag ang gusto mong tao magsabi sayo nun magiging bago nanaman yun pakinggan" sagot niya.

Hindi ko alam saan ako magugulat sa sinabi niya ba o dahil parang uminit ang mukha ko nung sinabi niya yun.
Inalis ko ng tingin ko sa kanya dahil sa pagkagulat.

"Pero bat mo sa akin sinubukan?" tanong ko.

Naging seryoso ang mukha niya, inayos niya rin ang tayo niya at naglakad ulit palayo.

Sinundan ko nalang siya sa paglalakad.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon