CHAPTER XXXV: TRISTAN'S PLAN

12 3 0
                                    

BELLE'S POV

Umaga na at nagising na ako at alas-nuebe na rin ng umaga. Medyo antok pa ako dahil pagbalik namin ni Tristan ay nagcellphone pa ako hindi kasi ako makatulog kagabi kaya ayun inabot ako ng alas-tres ng umaga.

Bumaba na ako at nasa sala na silang lahat at may kanya-kanyang ginagawa.

"Good Morning Belle" bati ni James habang nakangiti.

"Morning" sagot ko.

"Andun na sa kusina ang pagkain mo, kumain ka na muna" sabi ni Aqua.

"Kumain na kayo? " tanong ko.

"Yup" sagot niya naman. "Wag kang mag-alala baka kumakain pa rin dun si Tristan" dagdag pa nito.

"Ahh okay sige kakain na muna ako" sagot ko.

At dumiretso na nga ako papuntang kusina.

Nakita ko dun si Tristan na kumakain at mukhang matatapos na siya.

"Good Morning" sabi nito habang nakangiti.

"Morning" nakangiti kong sagot.

Naghugas na ako ng kamay at kumain ng tinapay. Tinapay lang muna ang kakainin ko dahil inaantok pa ako wala pa akong ganang kumain.

Natapos nang kumain si Tristan at naghugas ng pinagkainan niya.

"Sabay na tayong bumalik sa sala para mapag-usapan na ang plano" sabi nito habang naghuhugas.

"Okay" sabi ko nalang habang nakain.

Natapos na akong kumain at tapos na rin siyang maglinis kaya bumalik na kami sa sala. Pagbalik namin andun silang lahat at nanonood ng TV.

"Guys, may plano na tayo anong gagawin" sabi ni Tristan.

Napatingin naman silang lahat.

"Talaga ba? " sabi ni Mark.

"Yup" sagot ko.

Umayos na sila ng upo at pinatay ang TV.

"So, ano na ngang plano?" tanong ni Poeny.

"Susundin natin ang suggestion ni Belle kahapon" sabi ni Tristan.

"Akala ko ba ayaw mo ng ganun? " tanong ni James.

"Okay na may nagpabago ng isip ko" sagot ni Tristan.

"Itutuloy natin ang suggestion ni Belle kahapon pero sisiguraduhin natin na walang mapapahamak" sabi ni Tristan.

"So anong gagawin?" tanong ni Poeny.

"Hindi natin alam kailan papakita ang Chess kaya kailangan natin na tayo ang gumalaw" sabi ni Tristan.

"Kailangan natin ng dalawang tao, isa sa dalawa na yun si Mark at isang malakas sa atin pwede naman na ako na lang pero kung gusto niyo magvolunteer okay lang. So ang plano natin gagala lagi sila Mark at ang kasama niya hahayaan natin na sugurin sila ng Chess Piece. Sa oras na may lumabas na Chess Piece magteleport ka Mark at sunduin mo kami dito para lahat tayo lumaban. Sa oras na matalo na natin ang Chess Piece na yun at dumating ang White Bishop sure na magbubukas siya ng Portal. Sa oras na gumawa siya ng Portal ay papatigilin ko ang oras at hahawakan kita Mark para makagalaw ka at pumasok ka na agad doon. Kapag makapasok ka na dun magteleport ka nalang pabalik dito at pupunta tayo sa kuta nila. Kaya mo naman yun Mark diba?" tanong ni Tristan.

"Yup, as long as napuntahan ko o alam ko ang itsura ng lugar ay kaya ko ng magpabalik-balik sa lugar" sagot ni Mark.

"Nice, ngayon din ay gagawin na natin yan. Mas mabilis mas maganda. Kailangan natin smaantalahin na weekends ngayon" sabi ni Tristan.

"Ako ang sasama kay Mark" prisinta ni James.

Nagulat kami sa pagvovolunteer ni James.

"Habang gumagala kami itrain mo sila Tristan. Kaya ko naman magpatagal sa White Bishop atsaka alam naman natin na mas malakas ako sayo kaya mas makakatagal ako at mas magaling ka magtrain sa kanila kaysa sa akin" sabi ni James.

Ngumiti si Tristan.

"Nice" sabi nito.

Nagpalit na sila James at Mark at umalis na sila para gumala.

Bago sila gumala pinaalalahanan ni Tristan si Mark na kung may makitang Chess Piece bumalik na agad siya sa amin.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon