CHAPTER XXVIII: THE OTHER TWO

11 3 0
                                    

TRISTAN'S POV

"Sigurado kang kaya mo ko mag-isa" natatawang sabi ng White Rook.

Hindi ko na siya sinagot at umatake na ako nang malapit na ako sa kanya ay pinabagal ko ang oras para mahirapan siyang maka-takas. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa mga pangyayari pero ng sinaksak ko siya ay bigla itong naglaho.

"Shit, ano yun? Ilusyon lang? " naiinis kong sabi.

"Bat ka andiyan, andito ang kalaban mo"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siya sa bubong ng isang room. Inatake ko ulit siya at ganun ulit ginawa ko pero nawala nanaman siya.

"Magpakita ka at labanan mo ko ng maayos" sigaw ko.

"Akala ko ba kaya mo ko ni hindi mo nga malaman kung ilusyon ko lang ba ang kalaban mo o ako na mismo eh" natatawa niyang sabi habang nasa labas ng alumni.

Sumugod ulit ako pero ganun ulit ang nangyare.

Shit, asan ng totoo? Magtatagal ako sa laban na to kung ganto.

"Tristan may nararamdaman ako sa stadium baka andun ang totoo niyang katawan!" sigaw ni Belle.

"Pano" naiinis na sabi ng isa niyang ilusyon.

Kailangan ko nang puntahan agad ang stadium.

Pinatigil ko ang oras. Pero meron lang ako twenty seconds kaya kailangan ko na magmadali hindi ko pwede sayangin ang oras ko. Wala naman akong choice dahil alam kapag di ko patigilin ang oras lilipat siya ng ibang pagtataguan.

Hindi ko pwede saksakin ang Dark Rook dahil kapag gawin ko yun makakagalaw na siya ulit at maglalaban kami paniguradong lampas sa 20 seconds ang laban namin kaya makakatakas nanaman ang White Rook atsaka alam ko namang kaya na nilang lima yun.

Nasa stadium na ako may sampung segundo pa ako para hanapin asaan siya.

"Ayun" sigaw ko.

Meron nalang akong limang segundo. Natapos ang limang segundo pero nasaksak ko naman siya.
Nagsusuka na ito ng dugo.

Natawa ito habang sumusuka ng dugo.

"Mukhang katapos ko na, wag kayong naging masaya dahil nakapatay kayo ng isang Officials mag-uumpisa palang ang totoong laban niyo kapag makalaban niyo na ang Dark Bishop" natatawang sabi niya. Habang unti-unti na siyang nagiging abo.

"Natapos na rin" mahinang sabi ko. Bumalik na rin sa pagiging tao si Rei.

"Nice, ang galing mo dun Tristan" masayang sabi niya. "Tara na" yaya niya.

Nang nakalabas na kami sa stadium ay biglang dumilim ang paningin ko at biglang nawalan ako ng malay.

BELLE'S POV

Nawala bigla si Tristan. Sa di ko malaman na dahilan.

"Ow, nawala bigla ang kaibigan niyo. Anong ability niya Teleportation? Pero kung teleportation dapat nakita natin siya mawala...Ano kaya ability nun? " sabi ng Dark Rook habang nakamot ng ulo.

"Kahit anong ability niya wala ka ng pake dun" sigaw ko.

"Aww, ang harsh mo naman" nakapout na sabi ng Dark Rook.

Biglang may mga ugat na umatake sa kanya. Lumipad naman ito pataas kaya naka-ilag siya. Nagulat kami dahil may pakpak na siya ng isang butterfly. Pinagaspas niya ito at may malakas na hangin at mga alikabok na tumama sa amin. Hindi namin siya makita dahil sa mga alikabok. Pagmulat ko sa mata ko ay nasa harapan ko na siya.

Checkmate: Either Do or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon