MARK'S POV
Umupo na ako at nag-concentrate para magamit ang Astral Projection ko. Ilang segundo lang ay nakalabas na ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Nasa harapan ko ng katawan ko si Rei para protektahan ako. Kailangan ko nang mahanap ang operating Room. Kailangan kong bilisan dahil delikado si Rei at kailangan namin makita ang iba.
Habang hinahanap ko ang White Bishop ay nakita ko sila Erra at Belle na nakikipaglaban sa White Knight. Kailangan naming matalo agad ang White Bishop para matulungan sila Belle.
Di nagtagal ay nakita ko na asan ang White Bishop. Bumalik na ako sa katawan ko at puntahan na namin ni Rei ang White Bishop. Nakabalik na nga ako sa katawan ko.
"Rei, alam ko na asan ang White Bishop" bulong ko sa kanya.
Hinawakan ko siya at nagteleport na kami papuntang Operating Room. Nagteleport kami sa likod ng White Bishop.May lumabas na isang Clone si Rei at sinaksak bigla ang White Bishop.
Napasigaw naman ito sa sakit.
"Ahh! Pano kayo nakarating dito?" naguguluhan niyang tanong.
"Wala na kaming balak magpaliwanag pa sayo"
Sinasaksak ni Rei ang White Bishop pero may portal na nabuo at papunta yun sa likuran ko.
"Ahh!" sigaw ko at napahawak sa likod ko.
"Tsk... Dont think that you can beat me" ngising sabi nito.
May malaki na portal na nabuo. Papasok na sana siya doon para makatakas ng biglang naputol ang kamay niya.
"Ahh!" tili nito.
"Wtf, sino yun?" sabi pa nito.
Biglang may mga sinulid na tumali sa mga kamay niya at paa niya.
"Dont you ever think that you can escape from us"
Napatingin kami sa likod namin at nakita namin si Ate.
"Ate, pano ka nakapunta dito?" tanong ko.
"Hinanap ko ang Operating Room medyo natagalan lang ako" sagot nito.
"Shit! Let me go!" sigaw ng White Bishop.
Namumutla na ang itsura ng White Bishop dahil sa lakas ng tulo ng dugo sa saksak niya at sa putol niyang kamay.
"Now, how about we end this" sabi ni Rei.
"If Im going to die right now. I will make sure that you will also die"
Sinaksak ulit ni Rei ang White Bishop sa pagkakataon na yun at may dugo nang lumabas sa bibig nito at nang hugutin ni Rei ang sandata niya ay mas lalong dumami ang sinuka na dugo ng White Bishop.
Ngumiti naman ito sa amin at biglang may portal na lumabas sa paahan ni Rei at nahulog dito si Rei.
"Rei!" sigaw ko.
Pagtingin namin sa White Bishop ay nakapikit na ang mata niya at unti-unti na siyang nagiging abo.
"Umalis na tayo dito at hanapin sila" sabi ni Ate.
"Teka lang ate" sabi ko at tiningnan ang monitor nakita ko dun na tapos na rin ang laban nila Erra at Belle at patapos na rin ang laban nila Poeny at Aqua sa Dark Bishop samantalang tumatakbo na si Tristan at mukhang hinahanap niya kami.
"Puntahan na muna natin si Tristan" yaya ko kay Ate at hinawakan ko na siya at nagteleport.
TRISTAN'S POV
Nakita ko ang dalawang Rook. Wala na akong oras na dapat sayangin lalo na't nagkahiwa-hiwalay kami kaya mas malaki ang chance na may mapahamak sa amin at kailangan kong ingatan si Belle.
"Dito ka na mamatay" banta ng Dark Bishop.
"Tsk. You talk big perhaps you dont know my ability" nakangisi kong sabi.
Umatake na nga ang dalawang Rook.
Pinikit ko ang mata ko at pinatigil ang oras.
After na makapunta ako sa State of Nothingness ko na kaya ko nang patagalin ang oras ng tatlong beses pero 30 seconds lang ang itatagal ko.
"Wala na akong balak magtagal pa dito. I forgot both of you can't hear me now" sabi ko sa kanila kahit alam ko namang di talaga nila ako maririnig.
Sumugod na ako sa Dark Rook at sinaksak siya sa puso para sigurado na agad. Nakagalaw naman na ito dahil nahawakan ko siya.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat. May lumabas na rin na dugo sa bibig niya. Hinugot ko na agad ang espada ko at sinunod na ang isa pang Rook. Sinaksak ko siya gaya ng ginawa ko sa isang Rook at gaya ng isang Rook nagulat rin ito.
Natapos na ang 30 seconds at unti-unti na silang naging abo. Umalis naman na ako agad para hanapin sila Belle pero dahil sa pagpatigil ko ng oras ay nahihilo ako ngayon.
"Shit, kailangan ko nang mahanap si Belle"
Napatigil na muna ako sa paghahanap at napa-upo para magpahina ng saglit. Bigla nalang nagpakita sa harap ko sina Mark at Claire.
"Tristan!" gulat na sabi ni Claire.
Agad naman akong tinulungan nila Claire at Mark sa pagtayo.
"Asan si Belle?" tanong ko sa kanila.
"Hindi namin kasama si Belle pero papunta na kami sa kanila" sagot ni Mark.
"Tara na baka kung ano pang mangyare kay Belle" yaya ko sa kanila.
Nagteleport naman na kami papunta kay Belle.
AQUA'S POV
"Shall we start?" tanong ng dark Bishop.
Biglang may lumabas na mga ahas na lason at umatake sa akin. Sinubukan ko naman itong ilagan.
Hindi ako pwedeng mag-sayang ng tubig na dala ko dahil wala naman akong pagkukunan ng tubig dito.
Nasa iisang pwesto lang ang Dark Bishop at patuloy na sumusugod ang ahas niya iniilagan ko naman ito habang umaatake ng ice spikes. Pero bago pa makarating sa kanya ang ice spikes ko ay sinasalo ng ahas na lason niya ang mga atake ko dahilan para matunaw ang mga ice spikes ko.
"Kung itutuloy mo lang ang atake mo maya-maya ay mawawalan ka na ng panglaban" nakangising sabi nito.
Alam ko naman yun pero wala akong choice kung iilag lang ako ng iilag ay mapapagod ako at mababalot lang ako ng lason.
"Let's end this now"
Umihip siya at biglang may naumong mga usok.
Anong ginagawa niya? Biglang umikot ang paningin ko. Huli na ng narealize ko na Poison Gas ang nilalabas niya.
Dumidilim na ang paningin ko bigla kong naainag na papalapit na sa akin ang ahas niya.
BINABASA MO ANG
Checkmate: Either Do or Die?
FantasyYou will witness the story of a lady that has an ability but she has no idea about it. Until they confront one member of the Chess and everything turns upside down.